CHAPTER 50

1.3K 28 11
                                    

CASSEY

" Achooo~ " napahinto kaming lahat sa pagkain at tiningnan si Ashley na bumahing " Excuse me " nakatakip pa ang kamay nya sa ilong nya

Kumuha sya ng tissue at pagilid syang umupo at pinunasan ang mukha at ilong nya.

" Ash, okay ka lang " tanong ko

" Yeah, okay lang ako " sagot naman nya at muling humarap sa lamesa, magsisimula na sana sya ulit kumain ng pagilid nanaman syang umupo sabay " Achooo~ "

-___- bumahing nanaman sya

" May sakit kaba Ash " takang tanong ni Van

Sasagot na sana si Ashley ng tatlong magkakasunod na

" Achoooo~ Achooo~ Achoooo~ " ang pinakawalan nya.

Isubsob nya ang ulo nya sa ibabaw ng mesa. Panay ang pahid nya sa ilong at pati mata nya. Panay din ang bahing nya.

Nagkatinginan kami ni Van at pinagtaasan ko naman sya ng kilay. Tumayo ako at naglakad papunta sa kabinet at kumuha ng gamot.

" Oh inumin mo. Para di lumala yang sipon mo " kinuha ko ang kamay ni Ashley at inilagay ang gamot.

Pagilid nyang iniharap sa akin ang mukha nya " Thanks Cass " tipid ang ngiting sambit nya

" Kumain kana tapos magpahinga kana " napangiwi ako ng ipatong nya ang tissue sa ibabaw ng lamesa' kumuha ako ng panibagong tissue at syang ginamit ko para damputin ang tissue na ginamit nya

Ke gandang babae. Bastos eh haha -_-

Pagkainom ni Ashley ng gamot ay sinamahan ko sya sa kwarto nya at pabagsak nyang inihiga ang katawan nya sa kama.

Panay parin ang bahing nya, pa ubo ubo na din sya. Napailing na lang ako ng maramdamang mainit sya ng hawakan ko ang noo nya.

" Magpahinga ka Ash, tinatrangkaso ka "

" Peste naman. Bakit kasi nagkasakit pa ako " angil nya

" Hindi siguro kinaya ng katawan mo ang lamig dito sa tagaytay " sabi ko na lang

" Baka nga " tumagilid na sya ng higa at nagtalukbong ng kumot

Napabuga ako ng hangin. Tatlong araw na din kaming nandito sa tagaytay. At tatlong araw na din na hindi tumatawag sila Yuan.

Isa din siguro sa dahilan kung bakit nagkasakit si Ashley dahil sa puyat at pag-iisip. Idagdag pa yung pinagdadaanan nya sa dalawang lalaking minamahal daw nya.

Jusko.!! Masyado naman syang mapagmahal. Dala-dalawa eh haha.. Kung ako nga isa lang ang minamahal pero ang masama pa eh hindi naman na ako mahal ng taong mahal ko -_-

Fuck this life!! Bigti na kaya ng bigtime!!!

Lumabas na ako ng kwarto ni Ashley at dumiretso sa kusina para maghugas ng plato. Napailing at napabuga ako ng hangin ng makita ang pinagkainan namin na nasa ibabaw parin ng lamesa.

Mafia Prince Wife ( ON-GOING SLOW UPDATE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon