#NoGunsNoEntry Will Never

Magsimula sa umpisa
                                    

"Take it."

"Pero po Miss 1000 po itong----"

"Shut up." I glared to the cashier. Nakita kong parang nawalan ng kulay iyong labi niya. Napaatras pa siya nung tinitigan ko siya. Nagmamadali siyang umalis sa harap ko. Tsh. Noisy creature. Bakit ba kasi ayaw na lang kuhanin? Nagmamagandang loob na nga ako tapos ang dami pang arte.

Tinusok ko na lang iyong straw sa yoghurt ko tsaka sinimulang sumipsip. Sarap. Well, at least may natitirang bagay na masarap sa mundo na hindi ka masasaktan. Saan ko nahugot iyon? Psh. Weird.

Maya-maya pa nagriring na ang phone ko. Coldie Number registred. How on Earth did she know about my new number? Then it clicked in my mind! Neon. That pervert. I told him not to tell the council about my new number. I decline the call and tinapon ko iyong cell phone ko. I don't care if latest model ng smart phone yan. Bibili na lang ako ng bago.

Naglalakad lang ako pauwi sa mansyon kahit na isang oras ang layo nitong Mini Stop na ito. Kung bakit ba naman kasi sa dulo pa ng isang exclusive subdivision ang bahay namin. Hanggang sa matanaw ko sa di kalayuan ang isang lalaki na lumabas sa isang ring convenient store.

I froze. Is that him?

Hindi ako naglakad pa. Hinintay ko na mawala sa paningin ko ang lalaki na iyon. I am not sure if that is really him, but I don't want to be sure either.

After a minute, naglakad na ulit ako. And then here it goes, ilang blocks mula sa bahay namin ay napatigil ako. There beside the tree is a very familiar face. He is wearing black leather jacket. Napaka gwapo niya habang nakasandal sa puno at nakapamulsa ang kanang kamay habang ang isa naman ay may hawak ng sigarilyong mukhang kasisindi pa lamang. I can't see his whole face but I am sure it's him. Why? Because my heart started to beats fast.

Dark.

What are you doing here? Hindi ko alam ang gagawin pero hindi ako tumuloy sa paglalakad ko. Nagtago ako sa likod ng mga puno at pinagmasdan ko din siya. Nakatitig lang siya sa bintana ng isang kuwarto.

That's my room.

He stayed there for one hour. Nakatayo lang sa tabi ng puno at nakatitig sa mansyon. I don't know why he is here. I am sure he hates me, and I hate him too. Why bother to stand in front of my house? To assure that I am dead? Yeah. Maybe. Maybe he wants me dead after all. And I have to convince myself, I want him dead too.

Hindi lang iyon ang unang beses na nakita ko siyang nakatayo sa puno malapit sa mansyon. Halos araw-araw ko siyang nakikita doon. Minsan naninigarilyo. Minsan naman nag-i-inom mag-isa. Minsan naman nagbabasa lang ng libro.

I am beginning to feel irritated. What does he wants from me? Is he that desperate to see me dead? Is he that desperate to see if I am the real Empress? Akala ko ba sinabi na sa kaniya ng kakambal ko? So ano, gusto niya siya naman ang magtututok ng baril sa mukha ko? That will not happen.

Never ko siyang binaba kahit na kelan. It's been one week at hanggang ngayon clueless pa din ako sa mga pinaggagagawa ni Dark. I know Thres knows that Dark was outside every time. Hindi siya nagsa-salita. Knowing Thres? He doesn't care if Dark was there. As long as walang ginagawang kagaguhan ang tao.

"Thres?" I asked one time nung nasa labas siya ng umagang iyon. He is talking to someone sa phone. He excused himself sa kausap at tsaka ako hinarap. "Problem?"

"Kelan alis ko papuntang Skulls?" I asked.

"Bukas ng umaga."

Hindi ko alam anong katangahan ang umabot sa utak ko at sa pagpatak ng alas dose ay nasa itaas ako ng punong iyon. I am wearing black shorts, black sando, and all black outfit na kaya mong maisip. Naka-upo ako sa pinakamataas na sanga ng punong iyon. And yes, I am waiting for him.

After 30 minutes, dumating siya. Same old routine. Tumayo lang siya sa may puno. But this time, wala siyang dalang kahit ano. This is new. I was about to jump at him when he opened his phone and played a video.

I saw my face registered in his cell phone. Papikit pikit ako at halatang inaantok. Bigla kong naalala ang time na yan. That was the time when I asked him to make love with me. Then I heard my voice sa phone.

"Hmmm...Dark..tell me that no matter what hàppened will end up together..."

Nakatulog ako after kong sabihin iyon. And then I heard his voice sa video.

"No matter what happen... We'll end up together...."

Pinatay ni Dark ang cell phone niya at saka tumingin sa bintana ng kuwarto ko. I saw tears from his eyes. Why Dark? Why are you here? Why are you crying because of me? Hindi ba at mas pinili mo ang kakambal ko so bakit ka ngayon umiiyak sa harap ko? I want to ask him.

Hanggang sa narinig ko ang boses niya.

"Nakahara.... Please tell me. I want you to tell me that no matter what happened we'll end up together." Iyon ang sinabi niya bago umalis. Napasandal ako sa puno habang nakapatong pa din ako sa sanga.

"I am sorry... We'll never end up together, Dark."

Kinabukasan, halata ang at init ng ulo ko. Halos lahat ng mga taong makita ko na may maliit na kamalian ay nakakatikim ng galit ko. She is a monster. Yan ang naging description sa kaniya maging ng mga katulong nila. She doesn't care. It's true now after all.

"Are you ready?" tanong sa kaniya ni Thres. This is the time na pupunta na siya sa Skulls Island. Nasa sala sila at nag-kakape ng umagang iyon.

She nodded. "I am ready."

No Guns, No Entry | Gangster Academy: Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon