『 E l e v e n 』

12 0 0
                                    

♪♫ ➢ Superman - Super Junior


 Come back a legend!

I'm rooting for all of you.

Muli kong pinatay ang screen ng phone ko nang madatnang wala pa rin akong natatanggap na reply mula sa kanya after I checked our conversation for the ninth time. 

O nawala na 'ko sa bilang unang klase pa lamang? Ni hindi ako mapakali. Alam mo yun? Yung pakiramdam na parang kulang ka kapag hindi mo nagawa o nakuha yung isang bagay na nagpapakumpleto sa araw mo.

I showed up to class 30 minutes late because of him. Pagkalabas ko kasi ng banyo right after kong mag-shower, nag-text siya. I don't blame Deus neither I regret it. As a matter of fact, I can't lose that time na makausap ko siya so I grabbed the chance. Lalo na't dumarating ang mga ganitong pagkakataon na hindi na kami nakakapag-usap nang matagal.

And that was my last message, waiting and hoping for almost 5 hours and 32 minutes. Na kung tao lang 'to, siguro katulad ko ay nakapangalumbaba na rin siya. Naubos na lang ang mga tao rito sa study room, wala pa rin. Natapos ko na ang mga written reports and such, nag-advance reading na rin ako sa mga assigned novels. At nang mapagod, I ended up having a staring contest with my phone to the point na nagluluha na ang mga mata ko sa sakit kakatitig sa screen ng phone ko.

I... I don't indulge illusions. Naiintindihan ko naman since he's a very busy man. Hindi ko naman siya pinipilit na mag-reply, ako lang itong naghihintay. At isa pa, amm... hindi naman niya 'ko g-girlfriend. Magkaibigan lang kami at sobrang kuntento na 'ko roon, that's why I don't understand myself on why am I acting like this.

"Ugh," I grunted with my head down on the table.

I am really fine with something just like this. Itong malapit lang sa kanya without intruding his space. Dahil kung papipiliin man ako, I choose to be grateful. Atleast alam kong balance, na may mga bagay na makukuha ko pero...

Ting!

Mabilis pa ata sa kidlat ang pagbangon ng ulo ko para tignan kung anong laman nang tunog na 'yon. Dinig ko kung paanong nabuhayan din pati ang puso ko dahil sa bilis nito. Pero ang malawak kong ngiti ay unti-unting napawi nang makita ang isang notification na hindi ko naman inaasam.

... may mga bagay rin talaga na kung hindi para sa 'kin, hindi para sa akin.

Handa na 'ko sanang tanggalin yung notification na 'yon kung hindi lang dahil sa title nito- You're Falling in Love ng Cosmopolitan. Out of curious, I gave it a chance to try reading this article. At sabi rito...

Falling in love is like falling into something that has no floor. It is great and exhilarating and a teensy bit scary, but mostly great, and when you feel it, you should allow yourself to enjoy it.

At hindi ko na napapansin ang dahan-dahang pag-scroll ng hinlalaki ko sa screen paibaba. Nagbigay ito ng 25 little signs na darling, in love ka nga and you don't care who knows. Some can be found agreeable-

*He's the "something good" you think about when everything else is really rough. Work is driving you crazy, but at least you've got him to cheer you up when you get home.

*He's your person. When something really good or really bad happens, he's who you go to first.

But some cannot. Pero para sa 'kin lang naman na nagmamahal. Pakiramdam ko kasi hindi ko kailangan maramdaman o isipin 'yon kung mahal ko talaga siya.

"You want to do things you've already done again so he can be there with you this time."

Agad kong binalingan yung taong nakikibasa sa likuran ko. Nang lingunin ko siya sa ikaliwang bahagi ng aking balikat, sobra pa sa sobrang kaalaman ang nakuha ko para matukoy kung sino ba talaga siya, sa lapit ba naman ng kanyang mukha. Sa gulat at takot na baka magdikit mga labi namin, naihagis ko ang katawan ko paatras. At tuluyan akong malalaglag kung hindi lang dahil sa mabibilis niyang mga bisig na umalalay. How clumsy you are, Lucky. Mas lalo tuloy nakakailang.

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Feb 07, 2019 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

Euphoria // hiatusOnde as histórias ganham vida. Descobre agora