“No. AyokoZarex. Tigilan mo nga iya--- ahh shit!” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla nyang pinasok ang kamay nya sa short ko saka hinalikan ang tenga ko nagbigay sa akin ng kakaibang sensasyon.

Kaya naman halos mag-uumaga na noong nakatulog kaming dalawa dahil kagaya nga ng sinabi ni kumag ay dinala nga ako nito sa langit. Hindi na ako nakatanggi eh.

oooo

At eto ako ngayon. Sabog kung sabog. Lalaki nanaman mga eyebags ko nito. Kainis kasi si Zarex. Hindi nakapagpigil kagabi.

“Good morning mahal ko. Oh? Bakit ganyan mukha mo?” tanong sa akin ni kumag ng dumating sya dito sa resto ng resort.

“Ako talaga tinanong mo ng ganyan?” pagsusungit kong ganyan sa kaniya.

“Eto naman, ang aga aga, ang sungit sungit agad. Eh nagustuhan mo rin naman yung nangyari kagabi diba?” sabi nito sabay ngisi ulit na parang aso.

“Buwisit ka.” Nasabi ko na lang. Sya naman ay humagalpak lang ng kakatawa.

Nagpatuloy ang pag-eenjoy namin ngayong araw kasama ang barkada at ang pamilya ko dahil bukas ng maaga na rin kami babalik.

Inenjoy na lang namin ang araw na ito. Umaga pa lang ay nagswimming agad kami sa dagat. Tuwang tuwa naman sila mama at namiss daw nila magbeach.

Parang walang nangyari kila mama. Parang hindi kami nag-usap ng masinsinan kagabi. Parang hindi namin sinabi sa kanila na may relasyon kami ni kumag. Pero okay lang. siguro ay hindi na muna nila iniisip ang nangyaring iyon.

Maganda kung ganun. Dahil pumunta kami dito para magsaya, hindi ang mag-isip ng kung ano ano. Kaya’t ganun na lang din ang ginawa namin nila Zarex kasama ang barkada.

Pagkatapos magswimming ay nagtry kami ng iba’t ibang water activities na inooffer ng resort. Nandyan yung nagsnorkeling kami. Which is masasabi kong super sulit.

Sobrang ganda ng marine life nila dito. May iba’t ibang corals, iba’t ibang kulay ng isda at kung ano ano pa. First time ko rin makakita ng pagong hahaha. Tuwang tuwa pa si Zarex noong mukha akong batang tinuturo sa kanya yung pagong na lumalangoy malapit sa dalampasigan nung pababa na kami ng bangka.

Nagparasailing rin kami na gusting gusto ng barkada. Nakailang ulit sila bago kami huminto para maglunch.

Busog na busog naman kami sa ga pagkaing offered ng resort. Purely seafoods. Mabuti na lang at walang allergic sa seafoods kaya’t lahat kami ay naejoy ang pagkain nito.

Noong hapon ay nagtry pa kami ng iba’t ibang water activities and water sports. Pagod na pagod kaming lahat noon. Pero si Zarex ay parang fully charged battery pa rin sa sobrang hyper nya. Siguro dahil napagbigyan ito at nakascore sa akin kagabi. Shet, nakakahiya.

Nang maggabi ay sabay sabay ulit kaming nagdinner. Pagkatapos ay kaunting pahinga at nagsipasukan na sa kani-kanilang rooms. Dahil na rin siguro sa pagod ay matutulog na ang mga ito.

Kami naman ni Zarex ay hindi pa muna natulog. Naisip naming lumabas muna saglit at magpahangin sa tabi ng dagat.

“Hayy, kailan ko kaya ulit ito mararanasan? Sarap lang magbakasyon kapag kasama mo yung taong mahal mo no?” pagbabasag ng katahimikan ni Zarex habang nakaupo kami sa may batuhan sa dalampasigan.

“Naks, may pabanat kang ganon? Hahaha. Pero tama ka naman tol eh. Masarap magbakasyon, o pumunta kung saan mang lupalop ng mundo basta’t kasama mo ang taong mahal mo. Tumalon sa bangin, maligo sa rumaragasang ilog, sumisisd sa pinaka ilalim ng dagat, akyatin ang pinakamataas na bundok, maglakad ng hindi tumitigil, tumakbo hanggang mapagod ang iyong mga paa, lahat ng iyan ay kaya kong gawin basta’t para sa iyo Zarex. Kahit malibog ka, hindi ko pa rin nalilimutan na ikaw yung pinili ng puso kong mahalin. I can conquer all Zarex, just for you.” Sabi ko sa kanya sabay higa sa kanyang braso. Hinayaan naman ako nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It Started In The Bus [BoyXBoy] (Updating)Where stories live. Discover now