"Perfect na 'yan, promise!" Tinaas niya pa ang right hand niya para mag-gesture na nangangako. "I'm sure mapapalingon na naman lahat sa'yo! Miss head-turner ka kaya!"


I scoffed at her remark. Baliw 'to! Anong miss head-turner?


Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin habang sukat-sukat ang outfit na isusuot ko para mamaya. I'm judging myself.


"Sis, remember mo 'yung prince who saved your ass kahapon?" Nasamid ako sa iniinom ko nang biglang magsalita si Cherry tungkol do'n. Kumakain kami ngayon ng dinner na pinadeliver lang namin dito sa condo para hindi naman kumulo ang tiyan namin mamaya.


"Hmm?" Tinaasan ko siya ng kilay para magpatuloy siya sa sinasabi niya.


"I asked Liam about him kasi I heard he has friends from CBA..." She paused, waiting for my reaction kaya nag react na lang din ako.


"Oh?"


"Iver daw 'yung name. Third year hehe," pagpatuloy niya. Why is she telling me this?


"Baka interested ka," sabi niya na ikinagulat ko kasi parang nabasa niya ang aking isipan. Tinaas-baba niya pa ang kilay niya at binigyan na naman ako ng ngiting malisyosa.


"Sabi nga ni Liam, party niya- ay wait lang ah." Hindi natuloy 'yung sinasabi ni Cherry nang biglang mag ring ang phone niya.


Tapos naman na kaming magdinner kaya nagligpit na ako ng pinagkainan namin at naghugas na lang din agad.


"What's up, mananap?" ani Cherry nang pumasok ito sa bedroom ko.


"What's mananap? Ano 'yan?" Curious kong tanong.


"Dzai, it means animal in Bisaya, dzai! Mananap, animal, hayop... ka? Charot hehehe!" Sabi niya kaya tinapunan ko agad siya ng unan na napulot ko lang sa tabi.


"Ikaw na unang maligo! After mo na lang ako. Gagawa muna ako ng assignment," sabi ko sa kanya. Oo, kahit exam na sa Monday ay may ipapasa pa rin kaming assignment, sa Monday rin! Napaka naman talaga.


Bandang 8:30 PM ay tapos na ako sa assignment na ginagawa ko pero hindi pa rin tapos maligo si Cherry kaya sa kabilang CR na lang ako naligo. 


May isang extra room kasi rito. Doon na lang ako.


"What should I do with my hair?" Tanong ni Cherry sa'kin habang binoblowdry ang buhok ko. Tiningnan ko siyang maigi at nag-isip kung ano nga bang bagay sa kanya.


May dalawang flat moles si Cherry sa leeg; isa sa may collar bone, at isa sa jawline niya na kung i-connect the dots mo ay parang diamond. Constellation nga tawag niya r'yan eh. 


Ang ganda tingnan at sobrang noticeable pa 'to ngayon dahil naka sleeveless siya na mababa ang neckline, plus fair pa ang skin niya. Ma-no-notice talaga kahit madilim.


"High ponytail. 'Yung parang kay Ariana Grande. Go," sabi ko at nag-agree naman siya.


It's already 9:25 in the evening at nag-a-ayos na kami ngayon. Nang matapos ay tinitigan ko na naman ang sarili sa full-length mirror, judging myself again. 


Naka-fitted leather skirt ako ngayon na brown at naka-bralette na cheetah print. Rawr! Haha.



Nagsuot din ako ng gold hoop earrings na sakto lang ang laki, gold necklace na may pendant na letter A, gold bangles, and of course, gold hair tie in case of emergency.


We Were (We Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon