02

800 363 285
                                    

"Portiko, 10 PM. G?" Pag-aaya ng classmate kong si Liam nang mapadaan siya sa seat ko.


"Gagong 'to, mag-eexam na sa Monday!" Tutol ko.


"Exam or not, Friday Night later! Whoooo!" Sigaw niya pa kaya nagsigawan din 'yung ibang classmates namin. Parang mga timang na nag-ce-celebrate. 


Ang iingay. Baka mamaya sitahin na naman kami dito at pagsabihang 'Lasallians are soft-spoken' jusko.


Dismissed na kami kahit 4 PM pa lang kasi may urgent meeting daw 'yung mga instructors namin.


"Sis, G ka?" Tanong ni Cherry. 


Iiling na sana ako nang magsalita siya ulit. "Hindi ako pupunta 'pag 'di ka pupunta. Hays, gustong-gusto ko pa naman mag-go. G sila lahat oh..." Umarte pa siyang nalulungkot.


Naku! Kinonsensya pa ako!


Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi natinag 'yung pagpapaawa niya sa'kin.


"Demonyo ka talaga 'no? Sige na nga!" Pagsuko ko kaya ngingiti-ngiti na siya ngayon.


"Liam! Sinu-sino ba mga pupunta?" Tanong ko kay Liam. "Just some friends from other departments, A. G na kasi!" Pangungumbinsi naman nito. 


Tumango nalang ako kaya nag high-five siya sa'kin.




"Ano ba 'yan, ang pangit naman!" Reklamo ko habang nakatingin sa full-length mirror. 


Nandito na ako ngayon sa condo at 6:30 PM pa lang pero nagsusukat-sukat na ako ng damit para mamaya.


Kanina pa ako sukat nang sukat dito pero parang walang bagay sa'kin at sa okasyon.


Ay! Wait... 


Ano ba ang okasyon? May okasyon ba or party party lang talaga?


Dinampot ko ang phone ko at tinawagan si Cherry.


"Helluwa, jolly evening! Thank you for calling Jollibee! What's your order, Ma'am?" Malokong bungad niya sa'kin. Ginaya niya pa ang boses ni Miss Ruffa Mae.


"Uhm, one Crispy Chicken Mcdo and one McFlurry pleayuhz!" Mas malokong sagot ko naman. Narinig ko naman ang pagtawa niya sa kabilang linya. Akala mo ikaw lang marunong ah.


"Ay hala, Ma'am! Wrong number po kayo. Hahahahaha!" Sobrang lakas ng tawa niya kaya nilayo ko sa tenga ang phone ko.


"Baliw! Eh kasi eh! Help me here please, huhu. Hindi ko alam anong susuotin ko," paghingi ko ng tulong.


"Wow? Rarampa?" Napairap na lang ako sa pamimilosopo niya.


"Oo na, going na! Give me 10 minutes!" Sabi niya nang hindi ako sumagot. Excited naman akong tumangu-tango na parang nakikita niya ako.


Umorder ako ng dalawang milk tea para sa'min habang naghihintay.


Maya-maya pa ay dumating na si Cherry. Sabay pa sila dumating nung delivery guy. Wow, goals yarn? Chos.



"'Yan sis, bagay 'yan sa'yo!" Komento niya habang nagsusukat ulit ako. Tumingin lang ako sa kanya habang siya'y nakasandal sa couch at ngumunguya pa ng pearls.

We Were (We Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon