Chapter 15

9.7K 230 244
                                    

"Love, we'll be having our team dinner tonight." Paalam niya sa Asawa niya. Malungkot ang boses niya kasi hindi sila maguusap ngayong gabi. Hindi din naman niya masabi na uuwi na siya bukas dahil nga surprise! Excited na siyang umuwi at mayakap ang Misis at anak niya.



"Ohh. Okay Love. I think It's time naman na sumama ka. Masyado ko na nao-occupy yung time mo jan." Kalmadong sagot ng Misis niya. "Go mingle with them po." Sabi pa niya.



"I only agreed because our client asked me to." Malungkot na sagot niya. "But we can text or chat naman diba?" Apela niya. "Please Love? Please?" Pagmamaka awa niya kay Jema.



May 30 minutes pa siya bago magsimula ang team dinner nila with the client kaya naman may time pa siya para makausap ang Misis niya kahit sandali lang.



"Ay naku Looooove! Wag na. It will be like, andun ka nga pero your mind is with me." Malambing na sagot ni Jema. "Di parang wala din, diba? Okay lang Love, spend time with your crew and client muna." Sabi pa nito.



Napabuntong hininga siya. Umupo siya sa sofa at sumandal. Sinandal din niya ang ulo niya sa sandalan para magkapahinga. Napagod siya sa maghapong shoot. As much as She wanted to talk to her Wife longer, kailangan niya ding gampanan ang tungkulin niya bilang co-owner ng Eagle's.



"Basta, I will behave." Sabi na lang niya. "If may inuman man, I will skip that part and aakyat na ako agad. Okay po?" Sumigla ng konti ang boses niya.


"That's my girl." Masayang sagot ni Jema sakaniya. "I know naman na you will behave Love. Takot mo lang sa'kin noh! Sa'min ni Adrielle!" Natatawang dagdag pa nito.



Natawa na din siya. Oo naman. Takot akong mawala ka. Kayo! Takot akong mawala yung tiwala mo sa'kin. I can't afford to lose you Love. Sabi niya sa isip niya but instead...



"You bet, Love!" Natatawang sagot niya. "Mahal na mahal kaya kita Jessica!" Malambing na sabi niya. Pumikit siya para mas maramdaman ang binitawan niyang salita.



God, She misses her so much! She misses the smell of her hair. The feel of her lips against her lips. They way Jema hugs her while kissing her neck... Nakaramdan siya ng kakaibang init kaso naputol ang pagiimagine niya ng sumagot ang Asawa niya.



"Mas mahal na mahal kita Izabelle." Malambing na sagot ng Misis niya dahilan para mapangiti siya at mapakagat ng labi. "Ayy may ikukwento pala ako Love pero later na pag umakyat ka na. "Eat well okay?" Bilin pa nito.




Binalewala na lang niya ang nararamdaman. Errr!!!





"Yes Love. Kayo din jan ni Adrielle." Bilin din niya. "Akyat na kayo agad after dinner ha? Share mo sakin yan mamaya. Can't wait to talk to you later Love." Malambing na sabi niya. "Napagod ng husto ang Baby naten. Tabi na lang ulit kayo magsleep sa room naten ha?" Another bilin niya sa Asawa.



Narinig naman niyang umayon ang Misis niya.



"Ay Love, ano pala gagawin niyo bukas?" Pahabol na tanong niya. Hindi naman sa excited na siyang umuwi. Hahaha. Gusto niya lang malaman para alam niya ang move na gagawin niya para isurprise ang dalawa.


"Hmmm. Baka dito lang sa bahay Love." Sagot naman ng Asawa niya. "Pahinga lang since Saturday may practice ulit si Drielle."


Napangiti siya. Naiisip na niya kung paano isusurprise ang Misis niya. Pero for now, secret muna. Ssshhhh.



After a few more minutes of talking eh nagpaalam na sila sa isa't isa dahil kailangan na niyang bumaba. Kanina pa siya tinetext ni Ponggay. Hindi lang siya nagrereply dahil ayaw niyang madaliin ang pakikipag usap sa Asawa. Miss pa niya ito. Sad face.



BOOK 2: You Are The Reason, Too! ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon