Chapter 7

12K 286 100
                                    

Dear Mrs. Wong,

We are happy to announce that your daughter, Ma. Michaela Adrielle was chosen to be one of our representative in our upcoming under 10 Swimming competition to be held on the 25th of April.

We would like to seek for your confirmation should you wish to allow your daughter....




Hindi na niya natapos basahin, sa sobrang tuwa niya eh tinakbo niya mula gate nila papasok ng bahay nila. Agad niyang niyakap si Adrielle at pinag hahalikan ito sa pisngi.

Katatapos lang niya maihatid hanggang sa tanaw ang Asawa niya papasok ng work nito. Nakita niya sa mailbox nila ang isang sulat kaya agad niyang binasa at ayan, sa sobrang tuwa niya, para siyang batang nagtatatalon at nagtatatakbo papasok ng bahay.

She can't help but be proud. Isang achievement na to para sa anak nila na mapili para mag compete.

Like what they have always dreamed of her, becoming an athlete at the early age is an achievement already. And She is so damn proud of their daughter. Bukod sa mabait eh ayan binibigyan na sila ng karangalan, bata pa lang ito.

Matutuwa din nito si Deanna for sure. Bukod sakanya, ang Asawa niya ang isa sa pinaka matutuwa. Excited tuloy siyang sabihin dito ang good news.


"I'm so proud of you Babbby!" Sigaw niya. Tinignan naman siya ng anak na para bang takang taka ito. Jema, 5 years old pa lang yang anak mo, mag hunusdili ka!

"Why Mommy? What happened ba?" Inosenteng tanong ng anak niya. Ngumiti naman siya dito ng ngiting ngiti.

"It's becauuuuse... my Baby's going to compete!" Masayang sabi niya. Tinignan pa din siya nito na takang taka. Hahaha. Ang cute mo lang din talaga madalas Adrielle!

"You love swimming right?" Excited na tanong niya sa anak. Agad namang namilog ang mata nito sabay ngiti saka sumagot sakanya.


"Yeeeeess? Why Mommy?" Tanong nito. "Are we going on a vacation Mom?" Tanong ng anak habang naglalaro ito sa tab.

"You, my Baby, will be joining a swimming competetion. Look!" Ipinakita niya ang kapirasong papel na hawak niya. Alam naman niya na hindi pa nito gaanong naiintidihan ang nilalaman ng notice. Gusto lang niyang ipakita sa anak niya.

"Ohh! Okay!" Tipid na sagot ni Adrielle saka nagkibit balikat at ipinagpatuloy ang panunuod.

Anak! Ako halos maglulundag na sa tuwa tapos ikaw chill lang? Sabi niya sa isip niya. Tsss.

She must tell her wife about this. Siguro matutuwa yun. Pero paano? Gusto niya kasi itong isurprise. Saglit siyang nag isip saka napangiti. At alam na niya ang gagawin.

For the mean time, hinayaan na muna niya na maglaro ang anak. Mamaya na niya ito aabalahin. Napangiti siya.










Meanwhile, nakarating na din si Deanna sa office nila. Masigla at pakanta kanta pa ito habang naglalakad. Binati niya lahat, ang guard, ang receptionist, pati si Luigi na tahimik at naka headset ay tinapik niya sa balikat saka nag senyas ng Hello.

Hindi niya alam saan niya nakukuha ang extra good vibes niya. Maybe because, naka score na naman siya sa Asawa niya kagabi. Haha. Magaan din ang pakiramdam niya, nakatulong ang pagmasahe sakanya ng Asawa niya kagabi.

Agad siyang umupo sa upuan niya at inilabas ang laptop na nasa bag niya saka niya ito binuksan.

Naalala naman niyang itext ang Asawa, kaya nagtype siya at tinext ang Asawa niya. Saka inilapag ang cellphone sa table niya.

BOOK 2: You Are The Reason, Too! ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon