Chapter 47

1.4K 69 114
                                    

WARNING: Explicit words will be mentioned. Kindly skip this chapter if you're below 🔞❌❗️


Nag park ako sa tapat ng bahay. Halos mag aalas nuwebe na dahil sa traffic pero hindi siya nakaramdam man lang ng pagod. Feeling ko, kaya ko pang mag drive ng sampung oras pa, basta sila ang kasama ko. I feel like I can do anything again.

Tulog pa ang dalawang taong mahal ko. Nilingon niya si Adrielle sa likod at mahimbing pa din ang tulog nito. Litaw na litaw ang tan lines ng batang to. Ang puti mo kasi anak.

Bumaling ako kay Jema na naka sandal sa center arm ng sasakyan. Mahimbing din ang tulog nito. Hindi ko alam kung gigisingin ko na ba sila o hahayaan ko muna ang sarili ko na namnamin ang moment na meron ngayon.

I feel home. No, I am home. Sapat na yung kasama ko sila. Kaya kong kalimutan lahat basta kasama ko sila. I missed my home and I hope to have them back again in my arms, if God permits.

Dahan dahan akong lumapit at sumandal sa center arm at inilagay ang braso ko para gawing unan ng ulo ni Jema.Hindi naman ito nagising kaya't kumalma muna ko. 'Okay Deanna, relax' baka kasi nangangawit na si Jema sa posisyon niya kaya mo yan ginawa. Tama.' Sabi ng isip niya.

Isa isa niyang inalis ang mga hibla ng buhok nito para mapagmasdan ng mabuti ang mukha niya. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ni Jema at pinaka titigan ito. Maamo pa din gaya ng dati. 'Ang ganda mo pa din Love' mahinang bulong niya. "You're still as beautiful as the first time I saw you at Lolo Fred's house.

Napangiti siya sa naisip.

Bahagya pa niyang inilapit ang mukha niya dito.
Ewan, parang hinihila ako ng mga labi niya na
halikan ito. Pero nag pigil siya. It took all my strength to fight this urge na dampian muli ang mga labi ng 'Asawa' ko. At least for a moment, I can call her my wife.

"I love you.. sobra!" Bulong niya muli kay Jema at dinampian ang ulo nito ng halik. Pinigil ko ang sarili ko dahil ayokong mabigla na naman ito at lumayo. I don't want to compromise this chance na meron ako.

Let's take it slow sabi nga ng Freestyle.

Nanatili sila sa ganung posisyon ng ilang minuto. At okay lang naman sakaniya kahit pa namamanhid na ang braso niya. Okay lang mangawit basta I'm as close as this to the woman I love.

Maya maya pa ay bahagya itong gumalaw at nag-iba ng pwesto. Nanatili akong naka sandal nagbabakasakaling bumalik ulit siya sa braso ko.

"D-Deanna?" Mahinang sambit ni Jema. "Asan na tayo?" Pupungas pungas pa ito at nag-ayos ng buhok. 'Ang cute mo.' Kinikilig na sabi niya sa sarili. 'Deanna kalma!'

"Hi." Ngumiti siya dito. "Uhmm, andito na tayo sa labas ng bahay 'niyo'." Sagot ko. Umatras na ako at inayos ang pagkaka upo ko. Hindi naman siguro niya nahalata na naka unan siya sa'kin ng matagal noh?

"Oh nooo.. sorry naka idlip ako, hindi dapat kita tinulugan habang nag ddrive ka." Bumaling ito sa likod at tinignan si Adrielle, na mahimbing pa din ang tulog. "Wait lang ha, gisingin ko lang si Adrielle." Bubuksan na sana ni Jema ang pinto pero pinigil niya ito.

'Few more minutes please? Let's just stay this way. Wag muna kayong umalis!' Sigaw ng isip niya.

"No, it's fine. Happy naman ako to have you both as my passengers." Ngumiti ako dito. "And I can carry her if.. you.. want." Dahan dahan kong sambit dahil baka mag-alangan ito. Saglit naman na nag-isip si Jema.

"Sure kang kaya mo pa? Napagod ka for sure sa byahe." Kita ko naman na nag-aalala siya sa'kin at bagahya itong nag lipbite.

'Ayan na naman yang lipbite mo, wag ganyan Jema please marupok ako.'

BOOK 2: You Are The Reason, Too! ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon