Chapter 49

1.1K 72 40
                                    

"Deanna, ako muna. I have something to say."

Bungad ko kay Deanna. Ayokong magpadalos dalos sa reaction ko dahil gusto kong marinig niya muna ang sasabihin ko kahit pa gusto ko siyang yakapin dahil miss ko na siya. Ayokong magpa apekto sa nararamdaman ng puso ko. 'Isip muna' diba Jema? That's what you have decided.

"Uhm. The day after We...uhm. paano ko ba to sasabihin." Mejo nauutal ako dahil sa tensyon na nararamdaman ko. Bumaling si Deanna sa'kin at nakakunot ang noo.

"Where have you been?" Seryosong tanong niya.
Bakas sa mukha niya ang pagtataka. Siguro nacurious din siya kung bakit wala ako sa tabi niya ng magising ito.

"Deanna, let me speak first." Seryosong sabi ko. "That day, I went straight to Ella.." Nakita ko kung gaano nag iba ang reaction ng mukha ni Deanna, agad itong nagdilim. I know, iba ang maiisip nito.



*Flashback*

Nagising ako sa mga bisig ni Deanna. Agad akong bumaling at hinalikan ang labi niya. Hindi ito nagising marahil ay sa pagod naming dalawa. I lost count kung ilang beses kaming nag make love.

Hindi maawat ang ngiti sa labi ko dahil pinagmamasdan ko ang taong mahal ko, mahimbing na natutulog sa kama 'namin', finally she's back. Finally, She's home.

Bumangon ako at naramdaman ko ang masasakit na parte ng katawan ko na pinanggigilan ni Deanna. Puno ng love marks ang katawan ko. Napangiti ako muli dahil dito. Parang uhaw na bata si Deanna kagabi, kahit awatin ko ay hindi nagpapatinag.

Pagtingin ko sa relo sa side table ay alas nuwebe na pala ng umaga. Tinignan ko saglit ang cellphone ko at may message na si Ella. Agad akong nakaramdam ng guilt dahil sa nangyari. I mean, committed pa din ako sa tao at alam kong mali na pinaubaya ko sa iba ang katawan ko.

Pero Jema, hindi iba si Deanna. 'Asawa' mo siya.

Tumayo ako at hindi na nag abala pang takpan ang hubad kong katawan dahil nakita naman na ito ni Deanna. Inayos ko ang mga damit namin na nagkalat sa sahig at dumiretso na ako sa banyo para maligo.

'I need to do this.' Sabi niya sa sarili nila.

Nagbihis siya at pupuntahan niya si Ella. Ito ang nararapat niyang gawin bago ang lahat. I need to fix things with Ella. I need to come clean.

'Pero paano si Deanna? Baka hanapin ka niya paggising niya?' I know, at sure na ako na pinipili ko. Alam ko kung nakanino ang puso ko, mula noon hanggang ngayon.

Kumuha siya ng maliit na notepad at ballpen at nagsulat.

Love, wait for me. Just trust me. I love you.

Inilapag ko iyon sa side table na malapit kay Deanna. Hinalikan ko siya muli sa labi at bumaba  na. Naabutan ko si Adrielle na nag bbreakfast.

Gusto ko mang sabihin dito na andito ang Dada niya pero minabuti kong wag muna, ayusin ko muna ang dapat ayusin. Nagpaalam ito na aalis kasama sila Ava and Viv kaya't pumayag naman ako.

Nag bilin din ako kay Manang na asikasuhin si Deanna paggising nito at wag munang sasabihin kay Adrielle. Natawa pa ako sa reaction ni Manang na parang nang iintriga pa. Pero kinikilig daw siya para sa'ming dalawa dahil dito natulog si Deanna.

Nag drive na ako papunta sa site kung saan ang office ni Ella. Pangalawang beses ko pa lang itong pupuntahan. Isang oras din ang byahe dahil sa NLEX ito naka assign ngayon.

Mag aalas onse na ng makarating ako. Agad akong nagpunta sa reception para sabihin kay Ella na andito ako. Hindi na ako nagsabi sa text dahil mas okay siguro na puntahan ko na lang ito.

BOOK 2: You Are The Reason, Too! ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon