Naabutan ko silang nagkwekwentuhan.

"Tara na. Andyan na si Deanna." Sabi ni Anne



Akala ko naman kung san kami kakain. Dito din pala sa foodcourt. Sa stall nalang na nandito sa foodcourt kami bumili.



Kami pa rin ni Jema ang magkatabi. Ewan ko ba. Kung sinasadya niya o hindi. Siya kasi yung huling uupo samin. Either tatabi siya sakin o kay Anne. Pero sakin talaga.




'Sakin ka pa rin ba?'

"Anong nginingiti ngiti mo dyan Deanna?" Puna sakin ni Anne.



"Wala." Nagpoker face lang ako. Ngumingiti ba talaga ako? Si Jema lang naman iniisip ko. Yung pagtabi tabi niya sakin. Nako! Kapag ako nasanay ha! Nababaliw na ata ako.



Nauna akong matapos sakanilang kumain dahil patuloy pa rin sila sa pagkwekwentuhan.





Habang patuloy sila sa pagkain nagcellphone muna ako. Check ng facebook, twitter, and insta.





May nagpop out na chat. Si Georgina.

Deanna

Yes po?

Si Georgina ay kaschoolmate ko. Nursing yung kinukuha niya. Ako BS education naman ako. Pero kahit magkaiba kami ng course naging magkaklase kami. Then naging magkaibigan. Normal samin yung magchat sa isa't isa. Magkulitan.

Deanna!
Wong!

Nababaliw ka na naman.

Miss na kita

yieee. Miss you too G.

Sweet ko no?

"Deanna!" tawag sakin ni Anne.

"oh? Bakit?"

Nginuso niya sakin si Jema na hanggang ngayon di pa ubos ang kinakain niya. Para ngang tinititigan nalang niya eh.

Binalik ko yung tingin ko kay Anne. Tumingin ako sakanya ng may pagtataka, I mouthed ng 'bakit?'.



Nginuso niya yung phone ko. Nagmouth siya ng 'itago mo'. Then may kasama pang pag iling.




oh-kay.


Hindi ko na nireplyan yung chat ni Georgina. Itinago ko na agad ang phone ko. Pagtingin ko kay Jema nakatingin na siya sakin. Habang si Anne naman ay nagcecellphone na.





Binaling ko ulit ang tingin ko kay Jema. Na hanggang ngayon nakatingin pa rin sakin.


"Bakit?" Makatingin eh.


Umiling iling lang siya sakin. At pinagpatuloy makipagtitigan sa pagkain niya at laruin yun. Tinutusok tusok niya.







"Tama na yan! Kawawa na yung Baboy. Pinaglalaruan mo nalang eh." Sabi ko sabay layo na ng pinggan niya sakanya. Kinuha ko na din ang kutsara at tinidor na hawak niya at nilagay sa pinggan niya.




"Nakakainis kasi!" May yamot na sabi niya.

Tumingin siya sakin.


"Cellphone ka ng cellphone!" Hindi ko alam ang sasabihin ko. napatingin naman ako kay Anne na napatingin din sakin sabay ngisi niya sakin na may pag iling iling pa ng ulo niya pagtapos nun balik na naman siya sa pagcecellphone niya.




Pagtingin ko kay Jema nakatingin pa rin siya sakin habang magkasalubong ang kilay niya.




"Tinago ko na po. Wala na oh" sabay pakita ko ng mga kamay ko.




"Nakakainis!" Sabi niya na hanggang ngayon ganon pa rin ang expression. Halatang halata na inis na inis siya.

Nagcellphone lang naman ha. Anong masama? Bat si Anne?



"Tignan mo si Anne oh. Nagcecellphone." Nguso ko kay Anne.




Umangat naman ang tingin samin ni Anne.


"Guys, restroom lang ako." Sabi ni Anne sabay tayo at alis. Sa kaliwang way yung restroom, bakit sa kanan yun pumunta? Tsk! Tatakas na naman eh.





Katahimikan na naman. Pero ngayon ramdam ko pa rin ang inis niya. Magkasalubong pa rin yung kilay niya. Kulang nalang magsama eh.




"Jema" lumingon siya sakin.



"Bakit!?" highblood te?




"Magkasalubong yang kilay mo kulang nalang magsama sila. Hiwalayin natin. Masyado kang inis eh." Sabi ko habang hinahawakan ang kilay niya at pinaghihiwalay. Minamasahe ko na rin ang noo niya habang nakaharap ako sakanya.




"Relax" dagdag ko pa sabay ngiti.

Dare or Consequenceजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें