Prologue

3.9K 64 8
                                    

JhasMean: As promised. Ito ang Side story nila Bea at Chris. Short story lang ito. Siguro Five to ten chapters lang. Hahahaha! Priority ko pa din ang BLA: Freethrow sa pag-UD. Very, very slow update ‘to. Hahahaha! Sana ay basahin niyo. Maraming salamat po. :))

 

Prologue

I'm Dianna Ysabella Granada. Ang sabi nila maganda ako, matalino, sporty at kung ano-ano pa. Hindi ko naman ito binibigyang pansin dahil hindi naman ako natutuwa kapag pinupuri ng iba. I hate attention, I hate pleasing anyone.

Pero hindi ko alam kung bakit ba pagdating sa'kanya ay gusto kong makarinig ng papuri, I want him to see me. Pero wala naman akong ginagawa para mangayri iyon. I'm contented on watching him from afar.

I've never seen someone that sad and hurt. Siya pa lang ang una kong nakitang ganon, na para bang ikamamatay na lang niya bigla ang sobrang sakit. And I hate seeing that.

At ewan ko ba kung bakit kahit ayaw na ayaw kong nakikita ang sakit ay sunod pa din ako ng sunod dito. I kept on following him wherever he goes, tuwing sinusundan niya si Dominique Alcantara sa kung saan ito pumunta. Tuwing sinusundan niya ito kahit nasasaktan na siya.

Nakakaawa.

"Do you like him?" Tanong ni Dominique matapos niya akong kaladkarin dito sa rooftop.

"No," simpleng sagot ko sa'kanya, pero mukhang may iba pa itong hinihinging sagot kaya naman bumuntong hininga ako at dinugtungan pa ito, "Naaawa ako sa'kanya."

Madami pa itong tinanong at ang tanging sagot ko lang ay naaawa ako dito.

Totoo naman, eh. Naaawa ako sa'kanya dahil nagpapakatanga siya sa isang taong wala man lang kaalam-alam sa nararamdaman niya.

Nauna na akong lumabas ng roof top at sa gilid ng pinto ay naabutan ko siya. Ang tanga at nakakaawang lalaking kanina lang ay pinag-uusapan namin.

Nang makita niya ako ay binigyan niya ako ng matalim ng tingin at hinatak paalis ng eighth floor. Nakadating kami sa seventh floor at pumasok kami sa isa sa mga laboratory doon.

Binitawan niya ang kamay ko at kinorner ako sa pader, sa gilid ko ay ang braso niya. Oh, please?

Inirapan ko siya at pinalo ang kaliwang braso niya dahilan para maalis ang pagkaka-corner niya sa'kin, naglakad ako palayo sa'kanya at humalukipkip.

"You..." Pabanta ang tonong saad niya sa'kin habang hawak ang braso niyang hinampas ko.

"What?"

"Don't talk to Dominique. Again."

"For your information, I did not talk to her, she's the one who talked to me. Magkaiba 'yon. At ano namang pakielam mo kung kausapin ko siya? Boyfriend ka ba niya?"

Harsh. Ganyan ako sa lahat. And knowing that he's hurting won't make me change that attitude of mine. I don't care about his feelings. Oo, naaawa ako sa'kanya. Pero nakakainis ang pagiging tanga niya.

Bagay sila ni Dominique. Dahil si Dominique, manhid lang pero hindi naman tanga. Siya naman, hindi nga manhid pero tanga naman. Balanse kapag silang dalawa ang nagsama. Isang tanga at isnag manhid.

"Ano? Strike you? Serves you right. Alam kong libre ang magpakatanga, Chris. But that doesn't mean na dapat ay araw arawin mo na. Tss, nakakaawa ka." Matapos ko 'yung sabihin ay umalis na ako.

Nakakaawa siya. He's doing everything to make the person he loves happy, and what'd it gave him? Pain.

'Yan ang napapala ng ng mga taong nagpapakatanga sa mga taong hindi naman sila kahit kelan makikita.

That's how being invisible can make you feel. Unbearable agony.

Invisible (BLAIV: Jump Ball Spin-Off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon