PG 15 - Sundo

1.3K 27 8
                                    

"Sexy!! May text ka!! Ayiiiieee!!"

Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Kinapa kapa ko yung cellphone ko tapos tinignan ito, new number naman kaya di ko na binuksan. Inaantok pa ako eh, 6 o'clock pa lang kaya, 8 o'clock nagstastart klase namin eh. *Yawn* Well, goodmornight everybody...

"Elizabeth! Linisin mo nga yang tenga mo!" 

"Ano ba kuya... 6 o'clock pa eh..." Kainis naman oh! Kakapikit ko lang ng mata ko eh!

"6: 45 na kaya bumangon ka na diyan! Nasa sala yung boyfriend mo!"

O_O "Anooooo!!?" hinablot ko yung cellphone ko, 6:45 na nga! Pero "Sino!!?" Boyfriend ko!!? Tsk. impossibleng si Arkeus yun. Baka si Andrei na naman.

"Sexy!! May text ka!! Ayiiiieee!!" Tinignan ko yung cellphoe ko, ito yung new number na nagtext din sakin kaninang 6 o'clock. Tsk, sino ba to!? Ito ang nanira ng ala-Sleeping beauty na panaginip ko kasama si Arkeus eh!

***From: 09*********

          Susunduin kita.

Sino to? Si kaamatayan? Pagtingin ko sa isa pang text niya "Buko ko....?" O_O "OMG!!!!!" Napatili tuloy ako at tumakbo papuntang hagdan pero di ako bumaba. Duh, alam kong mukha pa akong loshang sa itsura ko no! Pinaka-ayaw ko kasi itsura ko kapag bagong gising parang sinabunutan kasi ako ng mga baklang multo nung natutulog ako dahil sobrang ganda ko! Ahahahaha.

Nung nakita ko na yung lalaking naka-upo sa sala.... O_O Si Arkeus nga!! Hala!! Anong gagawin ko!!??

Nagmadali akong bumalik sa kwarto ko tapos hinablot yung twalya ko at tumakbong banyo, may sarili pala akong banyo dito sa kwarto ko. Malakas kong sinara yung pinto pero binuksan ko din ito kaagad at tinakbo yung cellphone ko at nagreply kay Arkeus

***To: My Buko

         Teka, naggpapalit lang ako ^^ Gusto mo akong tulungan?

Send. At tumakbo ulit ako sa banyo. Binuksan ko yung heater at shower, nagshampoo, sabon, shower at done!! Hinablot ko yung tuwalya at lumabas na akong banyo. Bilis ko no?? Hahaha, okey lang yan, nagshower naman ako kagabi eh! Hahahaha. Chineck ko ulit yung phone ko pero walang reply yung Buko ko. Tsk, asahan mo ba naman sa lalaking yun??

Mabilis kong binuksan yung cabinet ko at kinuha yung brown kong blouse at white na pantalon. Pagkatapos kong isuot yung undergarments ko ay sinuot ko na yung blouse at yung pantalon.

Mabilis ko ding sinuklay yung buhok ko at nag-apply ng konting lipstick, malay natin baka nakawin na naman ni Arkeus yung second kiss ko, haha, tapos kinuha ko na yung shoulder bag ko at sinuot yung brown kong doll shoes, di naman obvious na favorite color ko ang brown no? haha.

"Tapos!" Binuksan ko na yung pinto at nag-ala debutant na bumaba ng hagdan.

"Bagalan mo pa."

—_— Ang ganda na eh, namumukadkad na yung mga rosas na nakapalibot sakin tapos biglang umentra si kuya. Tsk. Buset!

"Goodmorning princess!" 

O_O Hala!!? Bakit nandito pa sina Mommy at Daddy!!? Si Daddy naka-apron tapos si Mommy naka-upo sa couch kasama si Arkeus!! Di ko nakita si Mommy kanina!! Ano kayang pinag-usapan nila!!?

Lumapit ako sa kanila tapos... "Waaaaaaaaaah!!" Hinablot ko yung hawak ni Arkeus na album! OMG!! "Mommy!!" Tumingin ako kay Mommy tapos kinuha ko din lahat ng album na nasa tabi ni Arkeus "Mommy naman eh!!" Hala! Nakakahiya! Mga pictures ko to nung bata ako! Ayokong sanihin yung mga laman kasi duh! Kayo ba gusto niyong ipakita yung pictures niyo nung bata kayo habang wala kayong saplot!!? Di ba ang weird!!? —_— erk. Nasabi ko tuloy. Pero hindi lang yun ang dahilan kung bakit ayaw kong makita ni Arkeus itong mga Album... Basta.

Pervert GirlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora