PG 8 - Boys

1.8K 34 14
                                    

“Elizabeth.”

“Oh!?” Hindi ko man siya lingunin alam kong si Andrei ang tumawag sa pangalan ko. Kasi naman! Kung makapag 'Elizabeth' eh wagas! Pwede naman kasing Beth o Eli o pwede ding Eliza basta huwag yung buong pangalan ko kasi pamilya ko lang tumatawag sakin niyan! Well, pinayagan ko siya nung una kasi nga akala ko siya yung future Mister ko kaso naguho lahat yun nung pinagpalit niya ako sa Bililit na yun! Urggghh! Ayoko ng maalala yung epic fail na araw na yun!

“Can we talk?”

“No.” Sabi ko at tumayo. Aba! Ang taray ko ah! Ang ganda pa! Hahaha. Bigla niyang hinawakan yung braso ko kaya napatingin ako sakanya “Ano ba! Bitawan mo ako!” Sigaw ko kaya nagsitinginan yung mga tao sa paligid. Nasa bench area kpala kami, yung part ng campus na tambayan ng mga chismosang katulad namin ni Joshii kaso iniwan muna niya ako at bumili ng pagkain tsaka doon naman umentra tong Andrei na ito.

“Let's talk.” sabi niya at hinila ako! Pumayag ba ako!? Hindi naman ah! Ala! Ayon sa bokabularyo ko sa Englis Abduction tawag dito! Teka— kidnapping ata yung tamang word... Eh basta yun na yun!

“Ano ba Andrei! Bitiwan mo ako sabi eh!” Waaaaaaaaah! Dadalhin ba niya ako sa isang bodega at susuyuin gamit ang ka-ka-ka-katawan niyaaaaaaaaa!!? Waaaaaaah! Di pwedeeeee tooo!! “Bitawan mo ako! Bitaaaaaawwa—!!” O_O huh? Wait... blink blink blink ang maganda kong mata.

Tumigil si Andrei sa paglalakad kasi di na ako nagpupumiglas at lumingon sakin. Ako naman eh nagbe beautiful eyes parin habang tinitignan yung lalaking may kausap na babae na palapit ng palapit sa amin... OMG! Anong ginagawa niya dito!? Diba nagtransfer na yan!? Bakit yan bumalik dito!!? Hala! Anong gagawin ko!?

Ting! May biglang shandelier na nagpop sa taas ng ulo ko. Inakap ko braso ni Andrei at naglean sa braso niya tapos pinikit ko ang aking mga mata “Buko ko naman eh! Ahahahaha! Ikaw talaga masyado mo akong pinapakilig!”

“Buko ko?” mahinang tanong naman ni Andrei kaya kinirot ko siya at nakangiting binulungan ng “manahimik ka na lang haa??”

“Ah! Beth!”

Nakangiting minulat ko ang aking mga maniningning na mga mata at tumingin kay Anya “Oh! Anya! Ikaw pala.” Nasabi ko na bang magpinsan tong si Anya at Mathew? Hindi pa? Well, ngayon nasabi ko na, hahaha. “Mathew!? Wow! Ikaw pala yan! Anong ginagawa mo dito? Hindi ka pa naman graduate para maghome coming ah?” Asar talaga tong mukha ng lalaking to!

“Dito na ulit ako mag-aaral.”

O_O anak ng utut naman oh! Sinong umutot!? Bakit biglang ang baho!!? hahaha “Oh talaga? Bakit? Kinick out ka ba nila sa linipatan mo?” Siguro kasi nahuli siyang nkikipagtoot toot kaya siya nikick out! At ang lakas talaga ng loob niyang dalawin ako nung nasa hospital ako at sabihan ng mahal kita ah! Naku! Kung may extra lang na karayum doon tinusok ko na yung yun niya!

“Nope.” Maikling tugon ni Mathew sakin pero kay Andrei siya nakatingin. What da!? Oh nose! Eto ba yung tinatawag nilang love triangle!!? Kasi naman diba, kambal sina Andrei at Arkeus, tapos gusto ni Arkeus etong si Mathew pero ang gusto ni Mathew eh si Andrei!! Holo! Love Triangle nga! Hahaha.

“An—”

“Arkeus! Siya si Arkeus! Nagkakilala na kayo sa hospital diba!?” HoooooOoh! Muntik na yun ah! Buti na lang naunahan ko tong si Andrei!

“A-Arkeus?” tanong naman ni Anya! Hala! Oo nga pala kahit magkamukha sina Andrei at Arkeus eh iba parin reputasyon nila dito sa school! Kasi naman si Arkeus eh nagpapakafeeling nerd at geek! Hala! Hindi naman kasi mukhang Nerd tong nasa tabi ko kaya syempre magtataka tong si Anya! Ano ba yan! Bakit puro A pangalan nila!!?

Pervert GirlOnde histórias criam vida. Descubra agora