PG 14 - Mommy

1.3K 27 1
                                    

"Anong ibig mong sabihin?"

"Let's go out."

"Pero may fiance kana. At di mo naman ako mahal... Gusto, oo, pero magka-iba sila. At... ayokong umasa Arkeus..." masakit ang umasa dahil umasa din ako noon kay Mathew.

"Violet is my fiance pero di kami magpapakasal, our engagement is just a show. And... I've forgotten how to love Beth... So can you teach me? Can I trust you?"

"O...okey...""

*

Nakalimutan na niyang magmahal?

Ngayon lang nagsink-in yung mga sinabi niya sakin eh, ngayong nasa bahay na ako at nakahiga sa kama ko. Nga pala... si Arkeus at ako... we're officially dating! Ay mali, we're going to be officially dating pala! Kasi di pa kami nagdadate diba?

Pero... nakalimutan na niyang magmahal? Bakit? Paano? tulad ko din kaya siya? Woman hater kaya siya? May babaeng nanloko ba sakanya? Tulad ng ginawa ni Mathew sakin?

Pero natuturuan naman ang puso diba? Madali lang namang turuan ang puso ni Arkeus na mahalin ako diba?? Kaya ko naman diba?

"AaaaaaaaaahHhhhh!!" Sinabu-sabunutan ko yung sarili ko. "Bakit ba ang dami kong tanong!!? Syempre kaya ko siyang paibigin! Sa lakas ba naman ng kamandag ko!"

*Booogsh*

O_O

"Hoy! Sinong kinakausap mo jan!?"

Si mommy! Tumakbo ako para buksan yung pinto tapos bumungad saking paningin yung napakaganda kong mommy na syempre nagmana sakin! "Mommy ko!! Imisshu shu shu much!!" sabi ko at pina-ulanan siya ng mga halik.

"Bakit si Elizabrth pwede kang halikan ako hindi?"

Napatingin ako kay daddy na kakaakyat lang ng hagdan, witwiw! Macho talaga ng Daddy ko! "Oh? Nag-away na naman kayo? Akala ko ba naghoneymoon kayo?" haha, naghongkong kasi sila pero dalawang araw lang at dahil yun sa trabaho.

"Elizabeth baby, sorry, mukhang hindi ko matutupad yung wish mong magkaroon ng baby brother" sabi ni Daddy na palapit na samin.

"Ha? Kelan ko yun hiniling?? Mommy! Gusto ko ako lang baby mo haaaaaa??" Sabi ko sabay pout pa. Sinungaling si Daddy! Hindi ko gustong magkaroon na naman ng isang asungot na kapatid tapos kapag nagkababy ulit sina Mommy at Daddy eh siguradong mae-etchapwera ako kaya ayoko no! "Mommy layuan mo na si Daddy haaaaa? Tabi na lang tayo matulog simula ngayon!"

"Oy! Elizabeth Gosiaco Manahimik ka!"

Hinaplos naman ni Mommy yung ulo ko at nginitian ako "Okey baby ko, ayusin mo na yung kwarto mo para makatulog na tayo." sabi niya at nagumpisang maglakad papuntang master bedroom.

Sinundan naman siya ni Daddy "Love you can't be serious!"

"Sinisigawan mo ako!!?"

"H-h-hindi..."

Hahahaha! Nakakatawa talaga tong parents ko. Hay, true love nga naman. Gusto ko kapag nagkaasawa na ako eh parang si Daddy lang, yung tipong nauuto mo kahit sobrang gwapo naman at sobrang talino! Hahahaha! Idol ko talaga si Mommy! Lalo na nung nalaman ko yung love story nila! 

"Baliw."

(—_—) Di kayo nagkakamali ng akala, si kuya Ethan nga yun na dumaan sa harap ko. Hindi talaga ako papayag na magkaroon ng isa na namang asungot sa pamilya namin! 

*

"Baby may bago ka na bang boyfriend?"

"Ha? Wala! Bakit niyo naman po naitanong?"

"You look blooming kasi like a girl in love gaya nung pinakilala mo sa amin yung ex mong panget."

Hahahaha. Astig talaga netong si Mommy! "Hahahaha, ang totoo po niyan may kaMU ako, he he." MU, Mutual Understanding, diba yun ang meron kami ni Arkeus muna ngayon?

Ganito na pala kami kaclose ng parents namin, kasi lumaki kami na tinuring nila kaming barkada.

"Ikaw ah, di ka nagkwekwento. And who's this lucky guy?"

"Arkeus del Castillo. Transferee siya kaya baka di mo kilala."

"del Castillo? Of del Catillo Empire?" tanong ni Mommy.

"Ewan, wala akong masyadong alam sakanya eh, hehe. KakaMU lang kasi namin kanina."

"Does he have a twin? Kasi kapag 'oo' that means na sila nga ang famous del Castillo twins of del Catillo Empire."

"Yep, sila nga ata, kasi may kambal si Arkeus si Andrei, at actually si Andrei po ang unang naging crush ko sa kanila, hehe."

"What? Si Arkeus ang kaMU mo ngayon but si Andrei ang crush mo?"

"Ex crush Mommy, At nanliligaw nga siya ngayon eh tsaka... bumalik po si Mathew sa school at pinipilit akong bigyan ko daw siya ng isa pang chance."

"Bibigyan mo naman?"

"Ay! Hindi na no! Wala na akong nararamdaman para sa kanya, Si Arkeus na lang gusto ko ngayon!"

"Next time, pakilala mo tong Arkeus na to samin ha? I want to meet him personally. Ang dami ko din kasing chismis na narinig tungkol sa kambal na yun."

"Share-share" sabi ko at tinusok tukos yung tagiliran niya, nakahiga nga pala kami sa kama at magkaharap kami.

"Just rumors baby na hindi mo kailangang malaman. Anyway, akala ko si Joshua ang makakatuluyan mo eh, how is he pala?"

"Ah... eh.... hehe..." Hindi ko ala kung sasabihin ko ba yung tungkol kay Joshua.

"I guess he confessed?"

Napakunot noo ako "Paano po ninyo nalaman?" Huwag mong sabihing nagpalagay ng mga CCTV si Mommy sa school!!? Emeged! An dami kayang kababalaghan at mga himala ang nagyayari doon!!

Pinitik ni Mommy yung noo ko "I'm not like you baby, I know he's not gay. Actually, I salute him for doing that for you kaya I really thought na kayo ang magkakatuluyan." 

So hindi nagkamali si Red? Slow talaga ako pero ang galing ni Joshua ah, nagwo-workshop ba siya? Bakit ang galing niyang umarte? *Yawn* "Mommy I'm sleepy..." sabi ko at pinikit na yung mga mata ko.

"Sleep tight sweetheart." sabi ni Mommy at hinalikan ako sa noo. "Goodnight princess."

"Goognight Mommy...."

*

Pervert Girlحيث تعيش القصص. اكتشف الآن