37

153 8 0
                                    


- 3 years ago -

nasa harap ako ngayon ng unit ni jungkook, balak ko sana siyang surpresahin ngayon dahil birthday niya ngayon.

excited na ako, pero kinakabahan at the same time. feeling ko kasi may masamang mangyayari mamaya.

"alam mo ba passcode ng unit niya?" tanong saakin ni oppa. siya yung tagahawak ko nung cake at ako naman yung may hawak nung regalo.

tumango ako at agad tinype yung birthday ko at bumukas na yung pintuan. nauna ako sa pumasok sa loob habang nasa likod ko si kuya.

sumalubong saamin ang makalat na sala. dumiretso na kami sa taas dahil nakarinig kami ng ingay.

my tears fell immediately. nabitawan ko narin yung regalo na hawak ko.

he's making out with a girl. hindi lang basta kung sino pero yung bestfriend ko pa, si rosé.

"tangina mo, jungkook !" agad sinugod ni kuya si jungkook at pinaulanan ito ng suntok.

i gasped. nagkatinginan kami ni rosé at mukhang nag-guilty pa siya sa nangyari.

napatingin ako kay jungkook at umiiyak ito, " i'm s- sorry tzu- hindi ko sinasadya."

"wala ng magagawa yung sorry mo, kook. nagawa mo na eh. tigilan mo na yung kapatid ko."


hihilahin na sana ako ni kuya pero iniwas ko ang kamay ko sakanya at tumakbo paalis.

i just can't believe na nagawa niya saakin yun.

nagpupunas ako ng luha habang naglalakad sa kalsada.

napatingin ako sa gilid ng biglang may bumusina sa gilid ko. then i felt a truck hit me.

everything went black.

__

"TZUYU ! YOU'RE AWAKE !"

𝐁𝐞𝐭𝐡Where stories live. Discover now