Chapter Twenty-Six

Start from the beginning
                                    

"Gusto ng mga magulang ko na ipakasal ako sa anak ng kanilang kaibigan. Tumutol ako at sinabi kong mayroon na akong mahal. Pumayag sila na makilala si Katerina kaya napagkasunduan naming magkita sa aming dating tagpuan sa kubo sa burol."

Naipikit ni Caleb ang mga mata, napasinghal sa sarili. Ngayon ay alam na niya na ang ama nga at ang tiyahin ni Erina ang may ukit sa mga punong nasa bukana ng kubo. Mahigpit na kumuyom ang kanyang mga kamay.

"Pero hindi sumipot si Katerina. Naghintay ako nang buong magdamag. Pinuntahan ko siya sa kanila pero hindi niya ako hinarap. Isang linggo, isang buwan, dalawa, tatlo, hanggang umabot ng ilang buwan ay wala akong narinig sa kanya. Nasaktan ako. At mas masakit dahil hindi ko man lang nalaman kung bakit niya ako tinalikuran. Pero tinanggap ko na hanggang doon na lang ang relasyon namin kaya pumayag ako sa kagustuhan ng lolo at lola mo na ipakasal ako sa babaeng napupusuan nila. That was how how your mother and I got married, Caleb."

Gustong magpanting ng kanyang mga tainga. "Hindi mo mahal si mommy?"

"Did you love Marie?"

Napakunot siya ng noo. Umawang ang kanyang bibig sa nais sabihin ngunit hindi niya iyon naituloy.

"Hindi naman mahirap mahalin ang iyong mommy, and I'm really glad she's the woman I married because I have you three as my children." Ngumiti ito.

Gumaan ang kanyang pakiramdam. "Did you ever meet her again, Katerina I mean?"

Nawala ang ngiti sa labi ng ama. Umiling ito. "No. Hindi na uli."

"Gugustuhin ni'yo bang makita siya uli?"

Ininom nito ang natitirang alak sa basong hawak. Marahang inalog-alog ang baso at ipinako ang mga mata sa mga yelong nag-uumpugan sa loob niyon pagkatapos. Nagpakawala ito ng hininga saka ngumiti.

"Why not? Nakaraan na ang lahat, ang mahalaga ay ang ngayon. Its been so long I have forgotten about it." Matipid itong ngumiti.

Sinuri ni Caleb ang katotohanan sa mga sinabi ng ama, gusto niyang isipin na nagsisinungaling ito ngunit ayaw naman niyang magtanong, natatakot siya sa maaari nitong isagot.

"Why are you doing this, Caleb? Kung lupa lang, meron kang pagpipilian, hindi naman kailangan na roon pa?"

Hindi siya umimik. Hindi siya kailanman nagsinungaling sa ama, ganoon kalaki ang respeto niya rito.

"Naghihiganti ka ba?"

Ngumiti siya, mapait. Mas naging magaan sa kanyang pakiramdam na sa bibig na mismo nito nanggaling ang ayaw niyang sabihin. Muli niya itong tinitigan, lumamlam ang mga mata.

"Hindi mo kailangang maghiganti-"

"Kailangan ko, Dad."

"Caleb..."

"They killed my child. I pleaded. On my knees I begged!" Ipinilig niya ang ulo upang iwaglit ang mabilis na pagragasa ng mga alaala ng gabing iyon subalit lalo lamang iyon nagsumiksik na parang kahapon lang nangyari. "Hindi ko sila mapapatawad!" Mahigpit na kumuyom ang kanyang mga kamao.

"Baka ikaw ang masaktan-"

"Nasaktan na ho ako. Wala nang sasakit pa sa ginawa nila sa akin. At kung meron mang muling masasaktan, siguraduhin kong hindi ako iyon."

Nagpakawala ng malalim na hininga ang ama. Tila may gusto pang sabihin ngunit hindi na itinuloy. Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa kanila sa ganoong sitwasyon.

"I'm sorry, Dad if I disappointed you. Sinubukan kong kalimutan pero hindi ko kaya. Walang mga gabing lumipas na hindi nawaglit sa isipan ko ang nangyari sa aking anak. Pakiramdam ko'y matatahimik lang ako kapag naibalik ko sa kanila ang ginawa nila sa akin. Hindi ko hihilinging maintindihan ninyo ako pero sana ay hayaan na lang muna ninyo ako. I needed this for myself."

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerWhere stories live. Discover now