Episode 2: Tara!

7 0 0
                                    

Pag-uwi ko sa apartment namin ay dali dali kong kinuha ang laptop. Tiningnan ko ang Facebook ni Mayi kung anong pwede kong makita na interes nya. Baka sakaling nag-share sya ng mga gusto nyang gawin o kaya ng mga lugar na gusto nyang puntahan.

Pero wala.

Sunset na cover photo lang ang makikita mo sa wall nya. At 2 years ago pa. Hindi pa sya nagpapalit. Naka-only me din ang Profile picture nyang natatakpan ng guamamela ang muka.

Malihim na talaga sy dati pa. Pero hindi ganito ka-OA. Mas lumalala  ngayon.

Lumipas ang oras sa paghahanap ko pero wala akong nakita. Hindi lahat ng tao nasa social media na ang buhay. At si Mayi ang patunay nun.

Lumabas ako ng bahay.

Habang naglalakad ako papuntang 7-11 ay nakita ko na sya sa labas nito at nakaupo kumakain ng... ice cream?

Natawa ako habang nilapitan sya. Ice cream nga.

"Hapunan mo?" Pang-aasar ko sa kanya.

Tiningnan nya lang ako.

Umupo ako sa harap nya at tinitigan sya. Umiwas sya ng tingin. Napangiti ako.

"May trabaho ka ba ngayon?" Tanong ko.

"Nagresign na ako last week." Sagot nya.

"Sakto! Sama ka sakin. Ang hirap mag vlog mag-isa. Tara!"

"Alalay mo?"

"Oo."

"Ayoko."

"Babayaran kita. May sahod ka."

Napahinto sya.

"Seryoso?" Tanong nya.

"Oo nga."

"Pag-iisipan ko." Minadali nyang kainin ang ice cream sabay alis sa upuan.

"Hoy, itapon mo nga tong pinagkainan mo." Pero ako narin ang nagtapon at sabay takbo papunta sa kanya.

"Hintay." Sigaw ko.

Huminto sya.

Humawak ako sa kanang balikat nya habang humihingal.

"Ang lapit lang ng tinakbo mo napagod ka na agad." Tinanggal nya ang kamay ko.

"Anong gusto mong gawin ngayon?" Tanong ko.

"Matulog."

"Yung gustong gusto mong gawin."

Naglakad sya ng mabagal.  Tumingala sa langit bago tumingin sa'kin.

"Gusto ko ng mamatay."

Tinitigan ko sya ng matagal bago magsalita. Tinatantya ko kung nagbibiro sya o sina-sarcastic lang nya ako ng sagot kagaya ng lagi nyang ginagawa.

Pero hindi.

Malungkot sya.

Alam kong malungkutin sya. Gusto nya laging mapag-isa. Minsan lang ngumiti. Kaya mong bilangin kung ilang beses lang sya tumawa sa loob ng isang buwan. Sa ilang taon na naming magkakilala,  ito ang pinakamalungkot na Mayi na nakita ko.

Hindi ko alam kung anong sasabihin. Naghahanap ako ng tamang salita na pwede kong sabibin sa kanya.

"Anong gusto mong gawin bago ka mamatay. Kahit ano, sasamahan kita."

End of Part 2







You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 04, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To-Die ListWhere stories live. Discover now