Episode 1: Si Mayi

9 0 0
                                    

"Gusto ko maging masaya." Apat na salita. Mga salitang madalas sabihin ni Mayi.

_________________________________________

Isang malalim na buntong-hininga ang magagawa mo kapag pumasok ka sa apartment niya. "Minimalist." Ang bulong ko sa sarili ko. Isang sofa bed, mesa at 24 inches na LED tv lang ang makikita mo sa sala. Puting puti ang pintura ng mga dingding at kisame. Kahit may mga konting gamit sya. Mararamdaman mo na parang walang laman ang bahay nya. Parang wala kang nakikita.

"Sinigang?" Tanong ni Mayi sakin sa dala kong mangkok. Luto ni mama. Mag-bestfriend ang nanay namin ni Mayi kaya ng namatay ang mga magulang nya two years ago ay si mama narin ang nagsisilbing guardian nya.

"Oo." Sagot ko sabay diretso sa kusina.

Refrigerator. Isang pares ng kutsara at tinidor. Isang pinggan, baso at mangkok.

"May tanong ako." Ang sabi ko.

"Ano?"

"Balak mo rin bang mag-isa sa mundo?"

"Bakit?"

"Lahat ng bagay dito sa loob iisa lang. I mean, paano kung may bisita ka?  Hati kayo sa kutsara?" Pang-aasar ko saknya.

"Don't worry, wala akong friends."

"Hanggang ngayon wala ka parin friends?"

"Wala." Umupo sya sa sofa bed at binuksan ang tv. F.R.I.E.N.D.S ang palabas.

"Anong meron, napauwi ka? Huminto ka na ba sa pag-gawa ng vlog?" Tanong ni Mayi sakin.

"Dinalaw ko lang si mama bago pumunta ng Puerto Prinsesa."

Ngumiti sya. Kasabay nun ang pag lungkot ng mga mata.

"Sama ka sakin?"

Tinitigan muna nya bago sumagot.
At alam ko na kung aning isasagot nya. Ayoko.

"Ayoko, Kuya Paolo." Sabay higa sa upuan.

Kuya.

Mas matanda lang ako sa kanya ng isang taon. 29.

"Okay." Mapapabuntung-hininga ka nalang.

Palabas na ako ng makita ko sa memo board nya ang nakasulat na Bucket List. Pero walang nakasulat na listahan ng mga gusto nyang gawin.

Sa isip ko, ano nga ba ang gusto nyang gawin? Tinitigan ko muna sya bago buksan ang pinto.

Napangiti ako.

"Ako ang bahala."

***
End of Part  One

To-Die ListWhere stories live. Discover now