KABANATA 20

41.4K 890 47
                                    

Jacob's P.O.V.

Tinulungan kami ng kakilala naming Pulis para malaman kung saan dinala ng mga awtoridad ang sumuko kong kapatid. Isinakay niya kami ni Alexa sa kanyang patrol car, para dalahin sa mas malaking presintong pinagdalahan kay Eliza.

Hindi man kami pinayagang makausap ito sa pagkakatong 'yun, pinahintulutan naman kaming makita ito sa 'one way glass window' ng interrogation room. Kasama ng dalawa pang pulis na naroon sa aming tabi, naririnig din namin ang pinag-uusapan ni Eliza at ng isang babaeng imbestigador sa loob. Katabi naman ni Eliza ang isang  abogadong lalaki mula sa gobyerno.

Putlang-putla ang mukha ni Eliza. Bakas sa mukha nito ang pagod habang nakatulala. Malaki ang ibinagsak ng kanyang katawan. Walang buhay ang kanyang dati'y masiglang mga mata. Humpak na ang kanyang dati'y matambok na mga pisngi.

"Eliza..." ang naabutan naming sinasabi ng imbestigador sa loob. "Nasa'n ang mga binatilyong lumapastangan sa 'yo, maari mo bang ituro amin?"

Tiningnan ni Eliza ang imbestigador sa paraang tila wala pa rin ito sa tamang kaisipan. Sinisipat-sipat din nito ang mukha ang imbestigador na para bang may hinahanap ito ro'n.

"Eliza!" Sabi ulit ng imbestigador. "Alam mo ba kung nasaan sila? Buhay pa ba sila? Si Adam? Naalala mo ba s'ya? Siya ang manliligaw mo hindi ba? Nasaan na siya? Alam mo ba?"

Hindi sumagot si Eliza. Mukhang nawawala talaga ito sa sarili. Nasa gano'n kaming situwasyon nang may dumating na mag-asawa. Umiiyak ang babae. Nagulat kami ni Alexa nang biglang nagwala ang babae nang makita nito si Eliza.

"S'ya ang walang hiyang babaeng pumatay sa anak ko!" Habang kinakalabog nito ang 'one way glass window' "Demonya s'ya, walanghiya s'ya. Mamatay na sana s'ya!"

Pilit man itong pinapakalma ng kanyang asawa'y nagwawala at naglulupasay pa rin ito.

"Minda." Sabi ng asawa nito; pilit nitong niyayakap ito, "Hindi pa tayo nakakasiguro kung pinatay nga n'ya si Adam. Hindi natin alam kung ano talaga ang nangyari sa kanya, halika rito." Hinila nito ang kabiyak at ikinulong sa kanyang bisig. "Makinig muna tayo."

Hinatak ko si Alexa papalapit sa akin. Nasa itsura kasi ni Alexa na animo'y gusto n'yang sabunutan ang nagwawalang babae. Hindi na naman kasi lihim sa amin, na ang Adam na 'yun at ang kanyang mga kagrupo, ang gumahasa sa kapatid ko.

"Si Adam?" Dahan-dahan ang pagkakasabi ni Eliza habang nakatingin sa itaas at nag-iisip. "Pinatay ko na po si Adam, at saka si Miko, at saka si Marco, at saka si John..." Wari'y isang inosenteng batang nagkukuwento si Eliza.

Humagulhol ng todo ang babaeng nagwawala kanina. Tinakpan naman ng asawa nito ang bibig nito, upang muling pakinggan ang testimonya ni Eliza.

"At saka si Tommy, at saka si Bong, at saka si Rico. Ni-rape po kasi nila ako eh. Hmp."

"Kung pinatay mo sila, nasaan na ang mga katawan nila? P'wede mo bang ituro?"

"Hmmmm..." Nakatingin ulit si Eliza sa itaas. "Si Rico po nando'n po siya sa wishing well sa school. Si ahm...si Bong po ahm...itinali ko po siya sa riles ng tren malapit sa school. Gamuntik na nga po akong mabangga, mabuti na lang nakatakbo ako. Pero naputol po ang ulo niya at saka kamay at saka mga paa. Hindi ko na po alam kung nasaan na napunta ang katawan niya."

WarakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon