1

22 3 0
                                    

Ceress

It was Sunday morning and the hot rays of the sun was reflecting to my transparent sliding window in my room. Dahil dun nagising ako at kinusot ko ang aking mga mata na naghihikab pa bago ako tuluyang bumangon at pumuntang banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Naghalungkat ako ng aking susuotin sa aking drawer at ng nakapili na ako ay nagsimula na akong magbihis. Pagkatapos kong mag bihis ay sinuklay ko ang aking buhok at nilagyan ng hair gel tapos naglagay na rin ako ng perfume. Tumingin ako sa salamin. Nakasuot ako ngayon ng T-shirt na may colar at nakatattered jeans ako with shoes. Nag pogi pose pa ako sa may salamin sabay sabing "Ang pogi mo talaga Ceress" saka tumawa pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba ng hagdan papuntang kitchen para mag breakfast pagkatapos ay lumabas na ako ng bahay at sumakay sa aking kotse saka ko ito pinaharurot papunta sa aking destinasyon.

Nandito na ako ngayon sa aking destinasyon which is the university kung saan ako nag aaral ang Myo University. Ang Myo University ay pag mamay ari ng isang half japanese at half pinoy na babae na mahilig sa mga Japanese stuffs kaya ng itinayo nya ang Myo University ay binase ang pangalan nito sa Japanese. Malalaki ang mga buildings at bawat rooms dito. Kompleto din sila sa mga facilities na talagang kailangan ng mga mag aaral. Meron din itong malalaking school grounds na pwede tambayan ng kahit sino dahil may malalaking puno na nakatanim dito pati na rin ang mga bulaklak. Di rin gaano ka mahal ang tuition fees dito kaya maraming gusto mag aral dito.

Marahil nagtataka kayo kung bakit ako nandito kahit walang pasok. Nandito ako kasi gagawa kami ng presentation report ng mga kagrupo ko kasi bukas makalawa na ito kailangang e pasa. Naglalakad na ako ngayon sa hallway sa may left wing dito kasi papunta ang department ng mga computer related na mga kurso. Isa kasi akong ComSci student. Pasipol sipol lang akong naglalakad dahil sa sobrang tahimik. Wala kasi ngayong pasok kasi linggo maliban na lang sa iilang mga estudyante na nandito na malamang may ginagawa ding mga school stuffs. Malapit na sana ako sa computer lab ng may nabangga ako. Nagtama ang aming mga katawan at nahulog ang mga gamit nito. Tinulungan ko syang pulutin ang mga gamit nya saka ko sya tinulungang  tumayo kaya lang di nya tinanggap at tumayo na lang sya saka pinagpagan ang damit nya at inayos ang sarili saka kami nagkaharap. Isa pala syang babae na kakaiba ang aura at sense of fashion. Yung buhok nya ay medyo mahaba na may pagkakulot tapos may kulay blue at white ito. May takip ang kanyang kaliwang mata. Maputi sya at matangos ang kanyang ilong. Naka eyebrow at eyelashes ito na kulay black pati ang lipstick nya kulay black din. Yung damit nya is gothic style na color black din pati ang pantalon nya at sapatos. Napansin ko ring nakapokerface lang sya at walang emosyon saka nya ako nilampasan pero nagsalita ako kaya napatigil din sya sa paglalakad.

"Sorry talaga miss di ko sinasadya"

Tumango lang sya ng hindi man lang lumingon sa akin saka nagpatuloy sa paglalakad. Weird. Nagkibit balikat na lang ako at tuluyan na akong pumasok sa computer lab.

Medyo mag gagabi na rin ng natapos namin ang presentation namin. Naglalakad ulit ako sa hallway papuntang parking lot saka tuluyan ko ng linisan ang university. Nasa kalagitnaan ako ng daan ng mapansin kong may nagkukumpulang tao malapit sa may kahoy sa tulay. Ipinark ko muna ang kotse ko sa gilid saka lumabas para makisusyo sa nangyari. Ng malapit na ako sa ilog ay doon ko nasaksihan ang katawan ng isang lalaking nakalambitin sa may kahoy na wala ng buhay. May mga dugo pang umaagos mula sa bibig nito. Nandito na rin ang mga pulis na nag iimbestiga sa nangyari at yung iba ay pinapalayo ang mga tao sa crime scene pero may isang taong nakapukaw ng aking atensyon anong ginagawa nya dito?diba dapat nasa bahay na sya ngayon?Nakapagtataka naman! Nakita kong naglibot libot sya sa crime scene na parang nag iimbestiga at kinakausap nya ang mga pulis. What is that person doing?

"M what do you think happened here?"

I heard the Inspector asked that so called M. I just stand by and do some observation on what's going to happen because its kinda interesting.

"I think the victim was stabbed from the back before he were hang in the tree. I see a mark that ruled out my theory Aztrion and I think the estimated time of death is just now base from the fresh blood that is oozing from the victim's mouth."

"Sharp as usual M and tama ka nakumpirma nga yon ng mga tauhan ko."

"Ano nga pala ang pangalan ng biktima? at sinong huling kasama nya bago sya namatay Aztrion?"

"The victim's name was Gift Arch Foster. 18 years old and a student of Myo University an ABM senior high student. Huling nakitang nagvovolleyball kasama ang tropa sa gym."

Nakakaawa naman tong binatang to pero nagpatuloy parin ako sa pag obserba sa kanila lalo na sa kanya ang dami na kasing mga tanong ang nabubuo sa aking isipan.

"Nasaan ang mga tropa nya Aztrion?"

"Parating na sila dito."

Tumango naman yong M at nagpatuloy sya sa pag iimbestiga habang wala pa ang mga suspects.

Maya maya pa'y merong tatlong lalaki ang dumating na may escourt na mga pulis. Pagkakita nila ng bangkay ay agad silang napabulalas at halatang nagulat sa kanilang nasaksihan at yung M naman ay inoobservahan silang tatlo pero agad na nagsalita yung M.

"Cut that shitty drama you 3 morons! I already know who killed this poor soul out there!"

Waaah ganun lang kadali alam na nya agad sino ang killer? Nakakamangha naman. Detective ba sya? Nakita kong mas lalo silang nagulat maliban na lang dun sa Inspector.

"Galing M then sabihin mo na sino ang salarin."

"But bago yon Aztrion kailangan kong malaman ang alibi at motibo nya. Kayong tatlo sabihin nyo sa akin ang pangalan nyo, alibi nyo at anong alam nyo sa biktima."

"Ako si Archer Quintos. Nasa locker room ako nun naliligo at ang alam ko lang tungkol sa biktima ay lasingero at babaero ito."

"Ako si Aldrian Su. Nasa isang kainan ako nun at doon na ako tumambay. Wala ako masyadong alam sa biktima dahil bago pa lamg kaming magkaibigan."

"Darrios Lee. Nasa bahay ako kinakausap ako ni mama. Ang alam ko sa biktima ay may family issue sya."

"Salamat sa inyong kooperasyon. Ang salarin ay walang iba kundi ikaw Archer. 1st sa alibi mo dapat sa banyo ka naliligo di sa locker room. 2nd is yung damit mo may talsik itong dugo. Paano ko nasisigurong dugo yan? Simple lang magkaiba ang kulay ng mga mantsa sa dugo. 3rd yung sugat mo sa kamay. Mababakas mo na ang sugat ay dahil sa patalim. Ito ang nangyari sa tingin ko pagkatapos nyong mag volleyball ay sinundan mo ang biktima saka mo sya sinaksak sa likod at binitay patiwarik sa kahoy. At ang huling ebidensya ay ang laki ng katawan mo medyo mabigat ang biktima kaya tanging malalaki lang ang katawan ang may kakayanang buhatin at ibitay patiwarik ang biktima. Yong motibo mo maybe inagaw ng biktima ang girlfriend mo tapos iniwan din nya itong luhaan."

"Tssk. Tama ka. Sinabi mo na lahat kaya wala na akong sasabihin pa."

Wala na syang nagawa ng hulihin sya ng mga pulis. Grabe ang galing nya nihindi na nya binigyan ng pagkataong magsalita ang salarin. Unti unti ng nagsialisan ang mga tao pati na rin yung M. Hahabulin ko pa sana sya. Nakahoodie kasi sya at nakamaskara tapos yung boses parang gumagamit ng voice changer kaya di ko matukoy kung babae o lalaki. My curiosity suddenly arise. Who are you M?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 04, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Unseen: Detective Series 1Where stories live. Discover now