"Gal, do I make you uncomfortable?"

Napaawang ang labi ko. I can't believe he figured it our fast. Mabilis na umiral ang pride ko dahil doon.

"O-Of course, not!"

I will not let him think he still affect me somehow. No way.

"Sure?" he asked, unconvinced. I nodded. Tinitigan niya pa ako ng ilang segundo bago muling nagsalita.

Inilahad niya ang palad sa'kin.

"Give me your hand, then."

I looked at him in disbelief. He's now wearing an annoying smirk again.

"Ayoko nga!"

"Baby!" ngawa niya nang mahirapang hawakan ang kamay ko. At talagang tinatawag niya pa ako gamit ang endearment na 'yan!

"Napaka-unfair mo! Napag-usapan na natin na walang holding hands na mangyayari!" naiinis kong sabi. Tumaas ang isa niyang kilay.

"FYI, hindi ako pumayag sa napag-usapan nating 'yon. 'Tsaka bakit ba kasi bawal?"

Hindi ako sumagot. Sinubukan niya na namang kunin ang kamay ko pero iniiwas ko talaga at pilit na inilalayo sa kaniya. Nung napagtanto kong hindi talaga siya titigil at talagang nararamdaman ko na ang pagod at katangahan sa ginagawa namin, hindi ko na napigilang magsalita.

"Baby, isa akong water bender, okay?!"

He paused as confusion etched on his face. Labis na kumunot ang kaniyang noo. I don't know if it's because I called him 'baby' back or the fact that I referred to myself as... a water bender.

"Water- ano?" bulalas niya, halatang hindi naiintindihan ang sinabi ko.

What? Hindi niya ba kilala yung mga water bender sa Avatar? Ang sikat kaya ng palabas na 'yon noon!

I sighed exaggeratedly.

"Ang ibig kong sabihin, sobrang magpawis ang kamay ko. Ano ba?"

Nakakainis dahil kailangan ko pa talagang i-voice out 'yon! Akala ko makukuha niya na agad ang ibig kong sabihin simula pa lang doon sa 'water bender' thing. At oo. 'Yon at 'yon lang naman ang dahilan kung bakit ayaw kong makipag-holding hands o magpahawak ng kamay sa ibang tao. Ewan ko. Hindi naman kasi maganda sa feeling na nakikipaghawak ka ng kamay tas basang-basa 'yon, 'di ba?

Unti-unting nawala ang kunot sa kaniyang noo na para bang naiintindihan niya na 'ko. Akala ko sasang-ayon na siya sa akin sa wakas pero nagulat ako nang kinuha niya ulit ang kamay ko at ipinagsalikop ang mga kamay namin.

"Wala akong pakialam," he said slowly while looking at me, as if he was making sure I hear every word. Pagkatapos noon ay hinila na niya ako papunta sa grocery store.

Hindi ako nakapagsalita. Basta naramdaman ko na lang ang pag-init ng pisngi ko.

Shit?

I immediately shrugged the feeling off.

That was nothing, Gal. You were just caught off guard.

Pagpasok namin sa grocery store, pumunta kami sa isang banda para kumuha ng cart.

"Teka, bakit cart? Hindi naman marami ang bibilhin ko."

He shrugged.

24 Hours Challenge: EX EDITIONWhere stories live. Discover now