Special Chapter: The Moon and the Fireworks

Start from the beginning
                                    

Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Kaven sa kanyang narinig. Hindi siya makapaniwalang napasakamay ni Xaniel ang kanyang listahan. Hinalungkat niya ang kanyang bag at doon nakumpirma na wala nga sa kanya ang notebook, at ang sinauli ni Xaniel ay pagmamay-ari nga niya.

Why the fuck did this had to happen? No one else was supposed to know!

Hindi mapigilan ni Kaven ang unti-unting pamumula ng kanyang mga pisngi. Hindi naman ito nakalagpas kay Xaniel.

"Don't worry, dude. Kumpleto pa rin page niyan, wala akong pinilas."

That's not the problem, you idiot.

"But it sure is good to know you're up to something," masayang bati ni Xaniel at ipinatong ang kanyang kamay sa balikat ni Kaven. "I thought for sure you had no balls, but you've proven me wrong. You make me proud, bro."

Fuck this.

Hindi malaman ni Kaven kung anong dapat niyang maramdaman. Maiinis ba siya o mahihiya? Ang hirap kasing magalit kay Xaniel lalo na at sincere naman ito sa mga sinasabi niya. Ayon nga lang ay ubod ng walang kwenta at madalas insensitive.

His likes are the most dangerous kind—the insensitive innocent idiot type.

"So how much preparation have you done? Alam mo na ba kung saan nakatira sa Luna? 'Di ba susunduin mo siya? Tapos kakain kayo ng favorite niya. Natanong mo na ba si Celestine kung ano 'yon? Ano pa bang nakalagay diyan sa notebook mo... Ah! 'Yung sparklers. Meron ka na bang nabili? May alam ako gusto mo bilhan kita? The best 'yung kakilala ko, matitibay fireworks nila."

Bakit sa ganitong mga bagay magaling ang memorya ni Xaniel? Halos kabisado niya lahat ng nakasulat sa listahan ni Kaven.

"Ngayong Sabado na 'yung festival diba?"

"Festival?!"

Halos mapatalon si Kaven sa kanyang upuan dahil sa matinis na boses na narinig niya.

Lagot na.

Kaya niya pa si Xaniel pero kapag si Riley na ang nakaalam, panigurado ay masisira ang plano niya.

"Tama ba ang narinig ko?" masiglang tanong ni Riley. "May festival?"

Kapag hindi gumawa ng paraan si Kaven, tiyak ay magpupumilit si Riley na sumama sa moon festival. Hindi 'yon pwede.

"Yung festival sa—" agad na tinakpan ni Kaven ang bibig ni Xaniel.

"Yung school festival natin next month," palusot niya at binitawan na ang bibig ng kaklase. "May secret kasi kaming gagawin ni Xaniel para sa Class III-F."

"Ha? Kailan pa?" bangag na tanong ng binata.

Utang na loob, Xaniel, makisama ka.

"Ang daya bakit hindi ko alam?" nakasimangot na sabi ni Riley.

Secret nga, 'di ba?

"Saka pa namin sasabihin sayo kapag maayos na 'yung plano."

"Siguraduhin niyong sasabihin niyo sa'kin, ha."

"Oo naman."

"Ang alin?" bulong ni Xaniel kay Kaven.

"Shut up, dimwit."

Dahil sa nangyari ay parang nabawasan ng kalahati ang life span ni Kaven.

Pagdating ng uwian ay pagod na pagod na siya sa 'di malamang dahilan. Hinala niya ay dahil sa stress na inabot niya kay Xaniel at Riley.

Immortal CityWhere stories live. Discover now