"I'm sorry, Ma'am." apologetic na sabi. "No'ng nagpalit po kasi kayo ng order akala ko final na."

"Kasalanan ko pa na slow ka?"

"Sorry po. Pasensya na po talaga."

"Sorry? Puro sorry na lang nadidinig ko sa 'yo simula nang maging cashier ka rito."

"B-baka nalito ho ako, kasi ang dinig ko po talaga..." kusang huminto sa pagsasalita si Thera. Nagyuko ng ulo nang mapansin siya sa entrada. "Papalitan ko na lang po ng grande."

"One week ka na rito 'di ba?" Putol ng customer. "Hindi mo pa rin magawa nang tama kahit simpleng pag-take ng order lang."

Kung nakailang hingi ng pasensya si Thera, Sean already lost count pero nanatiling matigas ang customer. Determinado itong ipahiya ang bartender.

"I want to talk to your manager, dapat ibalik na lang ang mga lalaking cashier mas madali silang kausap kaysa sa mga babae. Nasaan ba si Sean?"

Kagat ang labing napatingin sa kanya si Thera. Nakaguhit sa mukha ang guilt. Sinenyasan ni Sean si Miguel na igiya ang dalawang customers sa opisina niya.

Nakakaintinding tumango si Miguel. Nagsenyasan ang dalawang babae sa paraang ang mga ito lang ang nakakaintindi.

Nagpatiuna na sa loob ng opisina niya si Sean. Saglit lang, narinig niya ang magkakasunod na mahihinang katok sa pintuan.

"Sean..." bumungad si Miguel. Pumasok ito sa loob. "Nasa restroom ang dalawa. Mukhang malaki talaga ang tama sa 'yo no'ng Mara." Napailing ito. "Kita mo, ginawa na ngang extension ng bahay nila ang Tea Caf sa dalas ng pagpunta."

Hindi siya sumagot. Mamaya lang, narinig na nila ang magkakasunod na katok sa pinto. Mag-isang pumasok ang customer na nagrereklamo kanina. Obvious ang ginawa nitong pagsuyod ng humahangang tingin mula ulo hanggang paa ni Sean bago tumitig sa mukha niya.

"Iwanan ko muna kayo, Sean." si Miguel na akmang tatalima.

"Stay for a moment, Miguel."

Nagkibit ng balikat ang kaibigan, sinunod ang utos niya. The woman has a disappointed look on her face, sinulyapan si Miguel bago tumitig uli sa kanya.

Sean stared, studying her face. Nag-retouch ng make-up ang babae bago pa man humarap sa kanya. Ngumiti ito nang matamis.

"Hi. I am Mara, I know natatandaan mo pa." Nag-abot ito ng palad sa kanya na out of politeness, tinanggap niya.

Imwinestra niya ang upuan sa harap nito. Naupo ang babae sa visitor's chair, nag-cross legs. Saka lang naupo si Sean sa naghihintay niyang swivel chair.

"About your employee. You do not need to apologize on her behalf. Pero na-stress talaga ako nang sobra sa kanya. Baka kung... ide-date mo 'ko, makatulong para mabawasan ang disappointment ko. Kahit saan o kailan mo gusto, okay ako."

"The apology you were talking about... I believe my employee deserves to hear that from you, Ma'am." diretsang sabi niya.

Nabura ang seductive na ngiti na suot ng babae. Hindi nakapaniwalang napatitig sa kanya.

"Ako ang ine-expect mong mag-sorry? Papaburan mo ba ang pagiging incompetent ng sarili mong empleyado kaysa sa reklamo ng customers mo? You gotta be kidding me. Nasaan na ang customer is always right policy?"

"Ten hours a day, hundreds of customers walk in." kalmadong sagot ni Sean. "Sometimes, my employees make mistakes but none of those customers humiliated my staff in front of everybody."

Fragments of Memories 1: Married at Seventeen (Wattys2019 WINNER/PREVIEW)Where stories live. Discover now