2 : Devil Personified

46.1K 1K 148
                                    

Isinara ni Yumi ang malaking pinto ng opisina ng Vice President nang makapasok si Thera sa loob. Gusot ang mukha na hinubad niya ang suot na stilettos habang naglalakad palapit sa mahabang desk na nakapuwesto sa gitna ng maluwang na silid. Walang pakialam na iniwan niya ang pares ng sapatos sa carpeted na sahig.

Sunod niyang tinanggal ang suot na diamond earrings na halos pumunit na sa tainga niya sa bigat at laki. Nanunulis ang nguso na padaskol niyang binuksan ang drawer saka iniitsa roon ang hikaw.

"Akin na ang tsinelas ko, Laida." pagalit na utos niya sa P.A na agad namang tumalima. Inilabas nito ang lion designed indoor slippers sa loob ng isang paper bag at inilapag sa paanan niya.

"Ang mga halimaw sa bangang kapos palad wala talagang kadala-dala. Hindi pa sumapat sa kanila ang sampung taon na ginawa nila akong katatawanan. Hanggang ngayon, ako pa rin ang paborito nilang pag-usapan." nanggigigil na usal niya habang padabog na isinusuot ang tsinelas.

"Big boss? Ha! Kapag si Sean, Big boss. May paggalang, may respeto habang ako na nagpakahirap sa kumpanyang ito, demonyo? F-ck those ungrateful bitches' mouths! Mga istupida. Walang mga alam!" Gigil na sabi niya. Mas kausap ang sarili kaysa sa dalawang babaeng kasama niya sa loob ng opisina.

Huminga siya nang malalim. Ikiniling ang ulo sa kabilang side na parang kinakalma ang sarili.

"Sabagay, bakit ba ako nagtataka? Kilay nga nila, iti-trace na lang hindi pa nila maayos ayos, bibig pa kaya nila?"

Matapos ang litanya, matalim ang tingin na binalingan niya naman si Yumi na parang ito ang kaaway niya.

"Yumi, i-review mo ang background ng dalawang hukluban na 'yon. I-check mo kung business ad major ba talaga sila graduate o sa paninira ng tao. Kung may makita kang kahit kakarampot na problema, pahirapan mo. Mga punyetang 'yon, walang mga respeto. Nanggigigil ako!"

Nagpipigil ng ngiti na tumango si Yumi.

"I'll do that."

Pasalampak na naupo sa swivel chair si Thera. Galit pa rin. Bumubulong.

"I was expecting you to fire them this time, Thera. Lalo na 'yong Rose. Sobra sobra ang sinabi niya tungkol sa 'yo. Super enough na huwag bigyan ng recommendation. From what I've heard, schoolmate mo siya no'ng highschool. Natatandaan mo ba siya?"

Inalis ni Thera ang likod sa pagkakadikit sa swivel chair. Pinagsalikop ang mga kamay sa ibabaw ng desk, kunot na kunot ang noo.

Oo nga, schoolmate niya iyong Rose dati. Bakit niya ba kasi naisipang tulungang makapasok sa kumpanya ang kurimaw na iyon? Eh halata na niyang imbyerna ito sa kanya noon pa man. Kakumpitensya ang tingin nito sa kanya. Umaambisyon na talunin ang grades niya samantalang utak ipis naman.

"Firing that bitch won't stop her from hating me. It did not stop even after I hired her six years ago."

"So you decided to keep her, forgive her kagaya ng ginawa mong pagpapalampas sa ibang empleyadong talikuran kang sinisiraan at pinag-uusapan?"

Itinaas niya ang mukha kay Yumi.

"Forgive her? Hindi ko pinapatawad kahit ang mga nagsisisi at seryosong humingi ng tawad, Yumi, alam mo 'yan."

Hindi na mabilang ang empleyadong kusang nag-resign dahil sa kanya sa nakalipas na apat na taon. She did not fire them though, kusang loob na nagpasa ng resignation letter ang mahihina ang loob.

"What do you want me to do with them then?"

"Gawin mo kung ano ang dati nating ginagawa sa mga empleyadong hindi marunong magkamot ng nangangating dila. Rose and Lira, both of them. Hanggang sila na mismo ang kusang lumayas."

Fragments of Memories 1: Married at Seventeen (Wattys2019 WINNER/PREVIEW)Where stories live. Discover now