Chapter Twenty-Five

Start from the beginning
                                    

"Uy, Erina, ano, maganda ba?" agaw ni Glenda sa kanyang pansin.

Tiniklop niya ang binabasang flyer ng hotel na hawak saka ito nilingon. "Yes, whoever built this hotel must have a brilliant mind."

Saglit siyang tinitigan ng kaharap bago ngumiti. "Naghahanap ka ba ng trabaho? Naghahanap kasi ang kumpanyang pinagtatrabauhan ko ng part-time decorator."

"Decorator?" Hindi niya kailanman inisip kung ano ang gusto niyang gawin, ngunit alam niyang hindi na niya babalikan ang pagsasayaw. Sa totoo rin lang ay hindi niya alam kung ano at saan siya magsisimula.

"Hindi kalakihan ang suweldo pero may komisyon kapag nakadale ang kumpanya ng big projects. Katulad ngayon, isa ang kumpanya ko sa napiling magpe-present ng designs para sa resort na itinatayo ng Kastilyo Parola. If my company gets chosen it will be the biggest project we will ever handle. It will serve as a door for more and bigger opportunities for us."

Napatango siya.

"Ano, interested ka?"

"Yes, but Glenda, I'm only a high school graduate, do you think they will accept me?"

Natigilan ito. Napaisip. "Hmm, subukan natin."

Muli siyang tumango.

"Tara, pasok na tayo sa hotel."



"CALEB, kumusta ang resort sa Sta. Ana?" Pumasok si Alvaro sa opisina ng panganay na anak. Napansin niyang tinakpan nito ng blankong papel ang kung anumang binabasa sa ibabaw ng working table nito.

"The problem about the road has been taken care of Dad. Napatag na ang daanan kaya hindi na mahihirapan ang mga parokyano sa pagpunta roon at sa hotel." Tumingin ang anak sa kanya.

"Bakit hindi mo na lang ipasemento para isahang ayusan na lang? The maintenance may cost us."

"Ayon sa decorator na kakontrata natin, mas makadaragdag sa attraction ang lupang daanan dahil bumagay sa disenyo ng hotel at resort, hindi masyadong moderno."

"Ganoon ba." Napatango siya. "Kumusta naman ang mga bata sa Del Rio? Nagrereklamo ang mommy mo dahil hindi na niya madalas nakikita ang mga apo namin magmula nang magdesisyon kang doon na muna kayo manirahan."

Ngumiti ito. "Sinabi ko naman ho na sa Del Rio na rin kayo tumira para sama-sama ho tayo. Kasalukuyan ho kasi ang proyektong ginagawa ko roon kaya naman mas maiging nasa mansiyon na muna kami."

"Sinabi ko rin iyan sa mommy mo pero ewan ko ba kung bakit ayaw niyang bumalik doon." Tumayo na siya. "Anyway, iiwanan na kita. Mayroon pa akong aasikasuhin."

"Sige ho."

Hindi niya magawang magtanong kung ano ang plano nito sa mga lupaing binili nito sa Del Rio. Mayroon siyang hinala ngunit pinili niyang pagkatiwalaan ang anak. Tuluyan na siyang lumabas ng silid at iniwanan ito.



CALEB watched as his father left his office. Nang tuluyan na itong makalabas, iniangat niya ang papel na nasa ibabaw ng isang titulo na binabasa niya kanina at muli iyong pinakatitigan. Dumiin ang pagkakahawak niya sa dulo ng papel halos mapunit iyon. Tumigas ang kanyang panga at nanliit ang kanyang mga mata. Sa wakas, napasakanya na rin ang huling lupain ng mga De Dios-ang Villa De Dios.

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerWhere stories live. Discover now