"Ah, naku.. hindi no? Hindi ako mapanghusgang tao."

"Sabagay, hindi rin naman big deal na malaman mo." kibit balikat niya, "Wala pa akong naging girlfriend."

Napakisap ako.

"As in?"

"Naging busy ako sa career ko as chef kaya wala akong oras para magcommit. Isa pa, kahit papano nawiwili na ako sa pakikipagdate sa muses ng Cafe." seryosong niyang saad, "Tulad mo.."

"N-nakakabilib ka naman pala.."

"Ano namang nakakabilib don?"

"Dahil alam mo kung san ka magpo-focus. At sa tingin ko, masaya ka sa napili mo."

"Siguro."

"Bakit parang di ka sure?"

"It's nothing." ngiti niya, "So let's start?"

Tinanguan ko siya. Inabutan naman niya ako ng maliit na palanggana na may lamang strawberries.

"Pwede mo bang hugasan ang mga 'to?"

"Oo naman!" masigla kong tanggap.

Matapos ko yong hugasang mabuti ay binalik ko na sakanya. Hinati niya yon at nagbigay sa'kin ng isang bowl.

"Here, can you crush them too?"

"Yon lang pala eh.." kuha ko sa tinidor na inabot niya, "Hindi pa ako nakapagbake sa buong buhay ko pero mukhang masayang gawin 'to." komento ko.

"Kung gusto mo ang ginagawa mo, natural lang ienjoy mo." Tugon niya.

Nag-umpisa naman siyang hiwain ang mga strawberry na pinili niya. Nang matapos kami pareho ay pinagsama na niya ang mga yon at nilagyan ng asukal.

"Kailangan munang iset-aside ang strawberry para mas lumabas ang flavor niya."

"Gano katagal yan?"

"About half an hour.."

"Naeexcite na 'ko" gigil kong sabi.

"Don't worry, madali lang naman 'tong gawin"

Pinagmasdan ko siya nang talikuran ako para balingan ang oven. Isnet niya ang timer non para sa pre-heating. Nang humarap siya nagprepare naman siya ng malaking mixing bowl at binalingan ang mga dry ingredients.

Hindi ko maiwasan ang ngumiti habang pinapanood siya. Nakatuon ang atensyon niya sa ginagawa niya at nakadagdag yon ng husto sa appeal niya.

"Ang gwapo rin pala niya.." isip-isip ko dahil di ko yon gaanong napagtuunan ng pansin nong una.

Hindi maipagkakailang kabisado niya ang proseso at hindi na niya kakailanganin pa ng mga measuring cups o ano pa man dahil confident siya sa pag-e-estimate.

Tumulong rin ako sakanya pero sa mga malilit lang na detalye. Halos hindi ko na nga namalayan ang oras.

Sumimoy agad ang mabangong amoy ng cake nang ilabas niya mula sa oven. Ini-slice niya yon sa apat na bahagi at saka nilagyan ng strawberries at whipped cream.

Vampire's Menu [ Unedited ]Where stories live. Discover now