Chapter 35 Lost

40 3 0
                                    

    "SO, pa'no? Magkita nalang tayo mamaya.." alis ng helmet ni Trojan, "..girlfriend ko?" Ngiting-ngiting sambit nito na hindi na bumaba ng motor.

"Masyado ka nang cringey, alam mo ba?" Pigil ang ngiti niyang sabi at saka ibinaba si Purple.

"Aw! Aw!" tahol nito at nagtatakbo na paloob.

Nakangiti lang nila itong pinagmasdan.

"Bye Purps!" pahabol rito ng binata kahit di na ito pinansin ng tuta, "Magbehave ka lang sa mommy mo, okay?!"

"Hindi ako makapaniwala na ganyan ka pala kapag naiinlove ka."natawa si Prim, "Parang hindi ikaw yong Trojan na una kong nakilala.."

"Cringey na kung cringey, gusto ko lang namang namnamin na girlfriend na kita." parang bata nitong depensa, "Saka anong 'kapag naiinlove' ba ang sinasabi mo dyan?" angal pa niya, "Para mo namang sinabi na womanizer ako? Sa'yo palang ako nainlove Prim! Tandaan mo yan." diin niya, "Nag-iisa ka lang kaya wala kang choice, gustung-gusto talaga kita at ang hirap para sakin na hindi yon iexpress kapag magkasama tayo.."

Hindi man niya aminin ay masaya siyang malaman na ganito siya kagusto ng binata. Ayaw niyang ipahalata na sobra-sobrang kilig na ang hatid ng mga salitang yon sa puso niya subalit hindi yon maitatago nang namumula niyang pisngi.

"Ayokong masanay..," bumaba ang tono niya.

"Prim, kahit araw-araw hindi ako magsasawang mag-express ng feelings ko sayo kaya walang dahilan para matakot kang masanay." seryoso niyang sagot, "Hindi naman ako mawawala sa'yo."

"Sige na, may trabaho ka pa diba? Wag mo nalang intindihin yong sinabi ko. Minsan lang talaga di ko maiwasang magpakasentimental.." bawi niya at saka ito ginawaran ng halik sa labi.

Nanatili namang nakapikit ang binata.

"Trojan, ano bang ginagawa mo?" mahina niyang tampal sa mukha nito.

"Wala lang..," mulat nito ng mata, "Yon ang first kiss na natanggap ko bilang boyfriend mo. Inaabsorb ko lang.." pilyong ngiti nito.

"Ayan ka naman!" hampas niya, "Umalis ka na nga, kung anu-anong kabaduyan na ang pinagsasasabi mo dyan. Nangingilo na 'ko sa'yo.." kunwari ay inis niyang taboy.

Umayos na ng pwesto ang binata at isinuot ang helmet, "Hintayin mo 'ko ah? Bye.." kindat nito.

"Bye.." tipid niyang kaway.

At saka nito tuluyang pinaandar ang sasakyan. Pinanood lang ni Prim ang papalayo niyang imahe. Hindi rin niya alam kung bakit parang hindi niya magawang maging masaya ng lubusan dahil hindi pa rin siya kampante sa mga posibleng mangyari.

Nang pumasok siya sa loob ay naabutan niyang nakaupo sa may garden si Empire at karga na nito si Purple.

"Nandito ka na pala.." ngiti nito sakanya nang lumapit niya.

"Kakaalis lang ni Trojan." bigay alam niya.

"Ang sigla pa rin ni Purple ah?" Tukoy nito sa karga at saka tumayo, "Bakit naman hindi ka man lang tinulungan ni Trojan na ipasok ang mga toh?" kuha nito sa mga paperbag na bitbit niya.

"Okay lang, ako na.." agaw niya pabalik, "Nagmamadali rin naman kasi siya. Saka magaan lang ang mga 'toh." excuse niya, "Bakit ka nga pala mag-isa rito? Nasan sila?"

"Actually, hinihintay kita.." naging malalim ang titig nito sakanya.

"B-bakit naman?" Taka niya.

"Hindi ko rin alam, kanina pa ako hindi mapakali na wala ka." kuskos nito sa balahibo ni Purple, "I'm just worried, I guess."

Vampire's MenuWhere stories live. Discover now