Chapter 32 Deal

39 6 0
                                    

    HINDI ko inasahan na ganon pala ang nangyari sa huling muse nila. Pinahid ko ang luhang naglandas sa mga mata ko dahil sa patuloy na paglinaw sakin ng mas malalim na sitwasyon sa loob Cafe.

Matapos naming uminom ng tsaa ay sinamahan na ako ni Empire sa kwarto. Nang mapagsolo kami ay hindi ko na napigil pa ang magtanong sakanya kung bakit ganon na lamang kasersyoso si Gunther sa roulette samantalang parang libangan lang yon para sa ibang butlers.

"Tulad ng sinabi ni Tangent kanina, guilty pa rin siya hanggang ngayon at ang tanging paraan nalang niya upang pagtakpan yon ay ang sundin ang rules ng game. After all, wala nang mawawala sakanya, siguro gusto nalang niyang tapusin ang dapat tapusin bilang owner ng Cafe dahil ayaw niyang maranasan ng butlers ang pinagdaanan niya."

"Hindi lang niya pinapahalata pero kino-consider pa rin niya ang feelings nyo.."komento ko.

"We've been living together for so long and we may agree or not, isa na rin kaming pamilya. And I believed that we do care for each other genuinely more than we realize it." sang-ayon niya, "Infact, bago pa dumating si Elaine, walang halaga ang buhay ng muse. But then we learned that despite her background and views against vampires, Elaine is not a monster. Perhaps, that's why Gunther eventually fell for her. I personally approved her if Gunther is willing to stay with her. She had proven that she's not a pushover. Don palang nagkalamat na ang roulette." dagdag niya, "Then you came and mas higit pa kay Elaine ang pinamulat mo samin. Ikaw ang tuluyang bumasag sa kalokohang sinimulan ko years ago."

Nakakatuwang marinig na malaki ang naging parte ko at ni Elaine sa pagbabago nila. Ngunit dahil punung-puno nang paghanga ang tingin niya sakin ay di ko naitago ang ilang ko.

"It's not surprising na magkasundo kaming protektahan ka." patuloy niya, "I think it makes more sense kaysa ang magkasundo kami kung paano ka papatayin di'ba?"

Napangiwi ako sa dark humor niya.

"Mas  nauunawaan ko na ngayon kung bakit ganon niya ako pakitunguhan.."

"No one was prepared for this to happen," kibit-balikat niya, "Pagkatapos niya, sinong mag-aakala na si Trojan naman ang susunod? Hindi nga sila magkapatid sa dugo pero parang iisa lang ang takbo ng kapalaran nila.." komento pa niya, "At  kung hindi man siya, for sure wala pa ring magbabago, coz it could be Ross, Clev or me.." makahulugan niyang saad.

Napatayo ako upang iwasan ang mga mata niya. Ayoko nang dagdagan pa ang issue na hinaharap namin.

"Uhm.. sa tingin mo ba, tapos na silang mag-usap ni Gunther?" pag-iiba ko, "Baka kung mapano pa sila sa pagbubugbugan nila.."

Tumayo siya mula sa upuan ngunit bago pa siya makaimik ay tila may kung anong umagaw sa atensyon niya at alertong binuksan ang pinto. Nagpalinga-linga siya sa labas na wari'y may hinahanap.

"B-bakit?" taka kong sunod at sumilip rin sa pinto.

"Ah, no.. it's nothing, baka may tauhan lang na dumaan." halatang pilit ang ngiti niya kaya nagduda ako pero hindi na ko nag-usisa pa.

Muli niyang isinara ang pinto, "Wala ka bang napapansin na madalas na nakasubaybay sayo?"

"Wala naman?"

"Weird." kuskos niya sa baba, "Well, if that's the case then, good to know. Iiwan na muna kita para makapagpahinga ka." hawak niya sa balikat ko, "Wag ka na lang mag-alala masyado. Dahil nandito kami para sayo, okay?"

"Okay.." marahan kong tango.





Trojan's pov

"ANO tapos ka na ba?" pahid ko ng dugo sa ilong.

Vampire's MenuDove le storie prendono vita. Scoprilo ora