Chapter 5 Rage

153 16 0
                                    

Prim's Pov

HINDI pa rin ipinaliwanag sakin ni Troj ang tungkol sa cafe at kung anong koneksyon non sa pagtira ko rito. Naguguluhan na tuloy ako sa mga nangyayari. Nasaktan ako sa sinabi niya na panlilinlang lang ang ginagawang kabutihan ng butlers.

At lahat 'yon ay walang ibang dahilan, kahit ang muntik nang halik sakin ni Ross. Ang akala ko pa naman, totoo ang mga pinakita niya. Na kahit mayaman siya willing siyang ishare ang meron siya sa kagaya kong 'pulubi'.

Napabuntong-hininga ako ng malalim. Malalim pa sa pacific ocean.

"Kainis!" sumpong ko, "Sayang lang ang moment na yon." Sabunot ko sa buhok, "Arrrrghh! Kaya pala wala man lang spark. As in, wala lang? Mas affected pa yata ako nong hinawakan ni Troj ang kamay ko sa may subway.." inalala ko ang sandaling 'yon, "Yong parang bumagal ang lahat sa paligid namin, 'yong para akong lumulutang sa ere.."

Napakunot ako sa sariling imahinasyon. Bakit ba napasali si Trojan? Mas walang kuwenta 'yong paghawak niya sakin, mas imporante 'yong kiss!

Buntong-hininga ko ulit.

"Nababaliw na ako.."

Para akong tanga. Masyado yata akong naging ambisyosa. Lahat ng binigay ni Ross tinanggap ko ng walang pag-aalinlangan! At ni hindi man ang lang ako tumanggi sa mga bagay na ginawa niya? Hay, ano ka na Prim?

"Hindi ako makapaniwala na ganito pala ako kamaterialistic. Dahil don ang dali lang sakanya na akitin ako!"

Nagpaka-kampante lang naman ako.

"Ang tanga ko talaga?!" Ub-ob ko sa unan. "Tama si Troj, hindi ako dapat magpadala. Nagpaka-easy to get ako dahil lang sa hindi ko pa naranasan ang mga 'yon. Iniisip siguro ni Ross na ang cheap-cheap ko.. ughh!"

Umikot ako ng puwesto pahiga at tumitig sa chandelier. Dapat maging cautious ako simula ngayon. Kung totoo man ang sinabi ni Troj, siguradong lahat ng ginagawa nila o gagawin ay may kapalit.

"Posible kayang.." napaisip ako, "dugo o buhay ko ang hingin nilang pambayad sa lahat ng yon?!" napabangon ako sa ideya.

Saka pinagmasdan ang paligid.

"Kung iisipin, bakit naman nila ako papatirahan ng libre 'di ba? At sa ganito kagarbong kuwarto pa? Ang assumera ko lang talaga.."

Napakamot ako sa batok. Parang gusto ko tuloy bawiin lahat ng sinabi ko at ibalik ang mga bagay na binigay ni Ross sa'kin. Yong mga designer bags, shoes, damit at kung anu-ano pa!

"Ano bang gagawin ko?"

Naabala ang pag-iisip ko nang may kumalabog. Nagmula yon sa may veranda. Taka akong tumayo para lapitan ang saradong pinto patungo ro'n.

Sinalubong ako nang malakas na hangin pag bukas ko.

"S-sino ka?" tanong ko sa aninong nakatayo.

Pumihit ito paharap sa'kin na agad ko namang namukhaan. Kasama siya nina Gunther sa party. Hindi ko pa siya nakakausap o nakikilala ng formal pero isa siya sa mga butler dito.

"Im Clevone Bancroft, my lady." Yuko niya.

"I-ikaw si Clev? Yong businessman?"

Vampire's Menu [ Unedited ]Kde žijí příběhy. Začni objevovat