Selena

20 3 0
                                    

Ang saya balikan yung pagkabata.
Yun bang laro-laro lang. Sarili kinakausap, iiyak sa simpleng bagay na kung tutuusin e anliit-liit lang. Gaya ng tsokolate na nahulog sa damit. Nakakaiyak kase di ko na sya masusubo at makakain. Tulad din ng nadapa ka bigla, pero iiyak ka kapag nakatayo na. Hm weird. Sana bata na lang tayo. May mga bagay tayo na gusstooong-gusto balikan sa mundo ng kabataan. At meron din naman na gusto natin kalimutan. Tulad ng, may nakita ako noon sa may kanto, may naghahalikan. Na-trauma ata ako e. First time ko makakita ng ganon ambata-bata ko pa kaya. Sabi ko pa sa sarili, mabubuntis yon. Bakit sa kanto pa sya magpapabuntis. Weird talaga kapag bata. Iba-iba ang interpretasyon sa lahat ng bagay. Andali natin mauto, at mapaniwala. Pero alam nyo? Swerte mo kase kung lumaki kayo sa piling ng magulang nyo. Ahh di ko naman linalahat. Kase nga, iba-iba ang pagpapalaki satin at pag-alaga o pagtrato ng magulang. Ang iba kase, masaklap. Inaabuso. Sempre, di na yan bago sa pandinig nyo. Nasa 21st Century tayo kaya no need to explain. Ako nga pala si Selena. :) ang awtor ng diary'ing to. Hayaan nyong ikwento ko ang buhay ko. Minsan boring, minsan nakakatuwa, minsan din nakakalungkot. Pero kadalasan weird. Marami kayong matututunan. Marami rin kayong matututunan na mga katarantaduhan. At wag nyo na gagayahin. Sya nga pala, sa 31 na pala ang 1st death anniversary ko. Ipanalangin mo ako ah :)

---Selena :)

Dear DiaryOnde histórias criam vida. Descubra agora