"Guys! Nandiyan na si Ma'am!" sigaw ni Reg at mula sa isang section na nagkakantahan at nagkakasiyahan, naging isang tahimik at mukhang inosente na.
"Saya na ng jamming eh," Thijs patted me on my back. Napangiti na lang ako dahil ayaw kong maging awkward iyon. Bumalik na rin ang atensyon niya sa gurong nasa harap.
Pero hindi pa rin natinag sa pag-uukulele si Aki. Agad naman siyang sinuway ni Camz, ang aming president.
"'Wag naman agad magagalit." Sabi ni Aki at tsaka itinabi ang ukulele.
"Tol under ka pala eh." Asar nila Reg kay Aki. Ginulo ni Aki ang buhok niya at bumalik na sa upuan niya.
"Sabay na tayo umuwi, Dionne." Sabi ko bago pa lumabas ng pintuan si Dionne.
"Wala kang band jamming?" Tanong niya.
"I don't feel like playing today, eh."
"You have to." Narinig kong boses sa likod ko, "Thijs, Reg and Nick are waiting."
"Mauna na 'ko Aki, Iya." Sabi ni Dionne at umalis.
"Ingat." Sabi ni Aki at hinila na ako palabas ng room.
Gusto kong tumugtog kasama sila pero parang nawawalan na ako ng time sa kaibigan ko.
"Why I can't skip band today?" Sabi ko habang hila pa rin niya ako palabas ng school.
"Inutusan lang nila ako, hindi ko rin alam."
Nakita na namin si Reg, Nick at Thijs na naghihintay nga sa labas.
Alam kong malungkot ako dahil hindi ko na naman nakasama si Dionne ngayong araw pero hindi ko alam kung bakit, sa tagal na naming tumutugtog ay nasa akin pa rin ang excitement sa thought na tutugtog ulit kami.
Nakarating na kamo sa studio. Hindi pa namin ito napupuntahan kaya lalo akong na-excite. Ang pangalan ng studio at Tate's.
"Ang ganda!" sabi ko kaagad pagkapasok pa lang ng studio. Pangkaraniwan lang din ang mga instrumento pero ang gaan ng aura ng lugar na ito.
"From now on, hindi na lang ito basta jamming lang." sabi ni Nick na ikinatahimik naming lahat.
May inilabas naman na papel si Reg at ipinakita sa aming tatlo na naguguluhan.
Battle of the Bands
Iyon ay gaganapin sa 50th anniversary ng school namin, at isang buwan na lang ang aming paghahanda.
"Kapag sumali tayo diyan, manalo man o matalo, magiging kilala na tayo sa buong school. Maaaring dumagsa ang mga opportunities natin." sabi ni Nick.
"At kung manalo naman tayo, magiging official band na ng school ang Narcissus." sabi ni Reg na ikinatuwa ng lahat . . . pero napaisip ako.
"Ito na ang pangarap natin. Either way, matutupag iyon. Game? Game!" sabi ni Nick.
"Sali ako riyan." si Reg.
"Pwede bang mawala ang pogi niyong drummer?" sabi ni Akio na ikinangiti ko.
"Ikaw Iya? Thijs?" tanong ni Reg.
"If she's in, then consider me in too." sabi ni Thijs.
Ano pa nga bang magagawa ko.
"Siyempre hindi ako aatras diyan."
Inilahad ni Aki ang dalawa niyang braso at naggroup hug kami.
Nagmamadali akong lumabas ng building at sinagot ang tumatawag, si papa.
It has been 5 months since the last time na nagkausap kami. And it didn't went well so I'm nervous what will he say now.
"Proud ako sa'yo, nakong." Kusang nagkaroon ng tubig ang mga taksil kong mata. Hindi ko na kaya 'to. Tinawag niya ulit akong kaniyang anak, matapos ang limang buwan.
"Salamat po Papa." sabi ko sa kaniya.
"'Yon lang. Mag-iingat ka at ipagpatuloy mo 'yan. Mahal ka ni Papa at Mama."
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Broken Strings
Genel KurguIf you broke the strings of your guitar, do you fix it until its pieces come back together, or you'll buy a new one?
