Ringing...

Tsk! Ang kulit talaga nito!
"Oh!"
(Bakit mo pinatay?)
"Pakealam mo?"
(Sagutin mo na kasi ang tanong ko. I badly need to see you. Asap!)
"Eh bakit nga?"
(My lolo wants to see you.)
"Anooooo? Agad-agad?"
(Yeah. Now na!)

***
"Woi! Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko at niyakap ang sarili kong nakasuot ng tube na dress. After ng class ko, sinundo ako ng mokong na to at pumunta sa isang boutique upang pasuutin ng ganitong dress. May family dinner daw kasi at formal ito. Tsk! Ipapakilala raw ako pagkatapos sa pamilya niya lalong-lalo na kay lolo niya.
Ngumiti siya sakin.
"I never thought na ang isang tibo na katulad mo, bagay pala magsuot ng isang napakagandang dress." sabi niya.
"Ang sweet naman ng boyfriend niyo, ma'am." sabi naman ng sales lady na katabi ko at halatang kinikilig pa.
"Wag kang magpadala sa tabas ng dila niyan. Bolero yang unggoy na yan." sabi ko na ikinatawa nila. Tsk! Naiilang ako sa mga titig ni Donny.
"Hoy! Wag mo nga akong titigan ng ganyan. Parang timang ka." sabi ko.
"Bawal na ba akong mabighani sa girlfriend ko?" sabi niya.
"Ayiiee!" tukso ng mga tao sa loob.
"Parang tanga. Huhubarin ko na ha." sabi ko at pumasok na ng fitting room at nagbihis na.

Sunod naming pinuntahan yung salon. Umalis muna si Donny papuntang kotse para kumuha ng maisusuot niya mamaya.

"Ahm...pwedeng light make up lang?" pakiusap ko sa bakla.
"Of course. Bagay sayo yung light and formal dinner lang naman yun, girl. You know, you're swerte talaga. Nakabingwit ka ng gwapong isda. Hahaha." sabi niya. I rolled my eyes.
"Chekka! Sige na. Sisimulan na natin." sabi niya.

***
Ano ba yan! Bakit kasi tube yung pinili nila? Hindi tuloy ako komportable. Tsk! Tinignan ko ang itsura ko sa salamin. Tulad nga ng sinabi ko, nakalight make up nga ako. Tapos yung buhok ko naka bun. Mukhang bagay nga sakin. Pero yung dress kasi eh. Tsk!
"Baka malaglag to!" reklamo ko sa loob ng fitting room. Tinignan ko yung relo ko.
"Tsk! Mag si-6:30 na. Baka andun na si Donny. Lumabas ako ng fitting room at nagsalubong yung mga mata namin ni Donny. Putek! Bakit nasa labas ng pintuan ng fitting room 'tong si Donny? Nakakaconscious kaya. Lalo na yung tingin niya. Teka! Bakit parang nag slow mo yung paligid. Bakit...bakit ang gwapo niya? Simpleng tuxedo lang naman yung suot niya ah! Bakit ang gwapo? Shxt! Ano ba tong iniisip ko? Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Lumapit siya sakin.
"B-Bakit andiyan ka? Sinisilipan mo ba ako?" parang gusto kong sampalin ang sarili ko sa tanong ko. Bakit niya ako sisilipan? Wag kang feeling, Shar. At saka, bakit naiilang ka? Waaah!!!
"I didn't. But you look..." ugly? Yes. Alam ko.
"You look stunning. I guess that's the right words for you." sabi niya. Hindi ko alam kung pakitang-tao to or talagang sincere 'tong mokong na to.
"T-Thanks." sabi ko nalang.
Inalok niya sakin ang kamay niya.
"Aba! Ala-cinderella yung peg niyong dalawa ha." hindi ko pinansin yung sinabi nung bakla. Inabot ko naman ang kamay niya at umalis na papunta sa kanyang kotse.
"This is so unusual." sabi ko nung nasa loob na kami ng kotse.
"Bakit naman?"
"Kanina mo pa ako kinocompliment at inalalayan mo pa akong sumakay ng kotse mo. Hindi ko alam kung nagpepretend na ba tayo or what." sabi ko.
"You deserved all of that. And no. I'm not pretending. Totoo yun, okay? Masama ba?" tanong niya. Hindi ako nakaimik. He started the engine.
"The real show will started." sabi niya.

***
"Kinakabahan ako, Donny." bulong ko habang ang kamay ko nakasabit sa braso niya papasok sa isang classy na restaurant.
"Don't be. Andito naman ako." sabi niya and he gave me a smile as an assurance.
"Just be yourself." wika niya at tumigil kami sa isang table. Tinitigan ko ang mga nasa table, lahat sila nakatitig sa amin ni Donny. Bakit ba kinakabahan ako? Tss. Isang simpleng dinner lang naman ito, right? Kakain lang naman kami tapos ipapakilala niya lang naman ako sa kanila. Pero bakit ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko? Parang hindi ako makahinga. Shocks! Mukha naman silang mababait eh. Tumigil ka Shar!
"Sorry na late kami." bati ni Donny.
"Okay lang iho. Maupo na kayo." sabi ng matanda. Lolo niya siguro to. Inalalayan muna ako ni Donny bago siya umupo sa tabi ko.
"Ipakilala mo muna kami sa magandang dilag na kasama mo." sabi ng lolo niya ata.
"Ahmm...she is Sharlene San Pedro, my girlfriend. Shar, si lolo" wika niya sabay turo sa matanda. Ngumiti naman ako kahit nakakailang.
"Si mama at papa. Tapos si Lenon at Dennis, my brothers." sabi niya sabay turo dun sa kanila. Bale ang katabi ko ay ang kapatid niyang si Dennis at katabi naman ni Donny sa kabila ay ang kanyang mama. Alam ko na kung kanino minana ni Donny yung itsura niya. Tumango naman ako kanila at ngumiti.
"H-Hello po...n-nice to meet you p-po." kinakabahang sabi ko.
"Girlfriend!" napasinghap sila. Ngumiti naman ang lolo niya ata.
"Siya ba yung kinuwento mo sakin? Yung tinawag ang lupain ko na 'reminiscing river'?" tanong ng lolo niya.
Omg! Bakit sinumbong niya? Patay!
"Opo lo." sagot ni Donny. Yumuko ako. Potek! Nakakahiya. Lupa! Lamunin mo na ako! Nagulat ako nung napatawa silang lahat.
"And you said, you met her in jeep and she farted right beside you." sabi nung Lenon. Oh my gosh! Patay ka talagang Donato ka!!! Napayuko ako.
"Hahaha! Look, she's blushing. Kuya, I like her for you." sabi nung batang si Dennis. Napatingin ako sa kanila. Nakakahiya! Potek!
"Stop that! You embarrassed her." sabi ni Donny.
"Hahaha. Sorry iha, pagpasensyahan mo na kami.," tanong nung papa niya.
"Welcome to the family, iha." sincere na sabi ng mama niya. Tinignan ko naman si Donny na nagtataka pero binigyan niya lang ako ng napakagwapong ngiti at hinaplos ang mga palad ko.

Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)Where stories live. Discover now