F

7 0 0
                                    


(A/N: Listen something in your playlist while reading this. Enjoyyyy~

Ps: not yet edited)

[F: Want you dead]

Mindy's POV

"Mindy!! Mindy!! Huhuhuhu!" Sigaw nang isang batang lalaki habang umiiyak, may papalapit kasi na ahas sa kanya. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Kahit na takot na takot ako ay nararamdaman kung mas takot siya kaysa sa akin. Nilagay ko kaagad siya sa aking likuran at tinaboy yung ahas, ngunit bigla itong lumapit sa amin at kinagat niya ang aking paa.

"Ahhhhh!" Sigaw ko dahil sa sakit. Biglang nag iba ang paligid, nandito ako sa bahay. "Ahhhh! Huhuhuhu!" Umiiyak si mommy habang hawak hawak ang litrato nung batang lalaki, lalapitan ko na sana siya ng biglang nag iba ang paligid.

May isang mata, mata nang batang babae na nakatingin sa-----

Napabangon ako at napasinghap. Binangungot na naman ako nang litseng nakaraan ko. Biglang kumirot ang paa ko na nakagatan nang ahas kaya napahawak ako doon. Biglang may alaalang pumasok sa isipan ko.

*Flashback*

"Mindy naman eh! Sabing ilayo mo sa akin yan." Takot na sabi ni Dylan, kapatid ko. Napatawa naman ako habang inilalapit sa kanya ang laruang ahas.

Siya si Dylan Piamonte, nakababata kong kapatid. Napakulit niyang bata pero napakabait at mapagmahal, simula pa nung pinanganak siya, takot na talaga siya sa ahas ngunit ang gusto niyang trabaho paglaki niya ay yung nag-aalaga nang mga ahas. How ironic right?

"Training to para paglaki mo hindi kana matakot sa mga ahas, pag-aalaga pa naman nang ahas ang gusto mong trabaho, hahaha!" Natatawa kong sabi. "Wag mo nga akong tawanan. I'm a big boy na and I am brave, kaya ko nang hawakan ang ahas na iyan." Matapang niyang sabi. "Hawakan mo nga." Nakangiti kong tukso at inilapit pa sa kanya ang laruang ahas. "Just put it down, ako na ang hahawak." Matapang niyang sabi, nilagay ko naman yun sa harapan niya, dahan dahan niyang inilapit ang kanyang kamay sa laruang ahas, nakita kong napalunok siya nang tatlong beses.

Bigla kong hinagis sa kanya ang ahas. "Ahhhhhh!" Sigaw niya na parang babae at tumatakbong lumabas sa kwarto niya. Napahawak ako sa aking tiyan dahil sa sobrang pagtawa.

*End of Flashback*

Habang inaalala ko iyon ay tumulo ang aking mga luha.

I really really miss him, I miss Dylan.

Biglang nagring ang phone ko, panira naman kitang nag momoment ako dito.

Kinuha ko iyon at bago sagutin ang tawag ay pinahidan ko muna ang mga luha ko.

The 5 Deadly SecretsWhere stories live. Discover now