SKYLER'S POV
Nagdaan na ang ilang buwan weeks at medyo napapalapit na ako kay Cody. Natapos ko lahat ng interviews ko sa principal na tila 'nagbago' na nga ako at mukhang naniniwala naman siya. Siyempre may mga muntikan na akong madulas pero nagagawan ko naman ng paraan para maka lusot.
About sa pinakamamahal kong Cody...Para na kaming mag best friends at di rin magtatagal magiging mag jowa na kami(♥ω♥*)
"Skyler paki kuha ng eyeglasses ko sa kwarto please"rinig kong sigaw ni mama mula sa kusina
"Teka lang po ma"tumayo ako mula sa sofa at pumunta sa kwarto ni mama. Kinuha ko yung eyeglasses niya mula sa desk at lumabas na ako kwarto papunta sa kusina
Nakita ko si mama na nagluluto ng chocolate cake"Anong meron ma?"sabi ko sabay abot sa eyeglasses niya, kinuha naman niya at sinuot ito
"Birthday kasi ni Doctor Gil tas plano sana namin siyang i surprise"kinuha ni mama ang recipe book niya"4 na piraso ng egg yolk"bulong niya sa sarili
"May matutulong po ba ako?"
"Wag na anak kaya na ni mama to"tinignan ako ni mama sandali na naka ngiti tas bumalik na siya sa pag b-bake
"Sige ma alis muna po ako ha"
"May lakad ka ngayon Skyler? Sabado ngayon tas malapit na tayong mag dinner"
"Kila Shane lang po ako"sagot ko. Hinawakan ko na ang door knob at hinintay nalang ang sagot ni mama bago ako lalabas
"Ah sige"pipihitin ko na sana ang door knob pero napatigil ako dahil sa boses ni mama
"—kamusta nga pala ang pag-aaral mo?" Napa laki ang mga mata ko at napa lunok ng laway. Skyler anong sasabihin mo?! Di niyo to pinagusapan ni Persues!
Dahan-dahan akong umikot paharap sa direksyon ng kusina"Ahh...oo ma ok lang naman... medyo nahihirapan lang ako sa deten—DETERMINANTS! Oh! MATH SOOO HARRRDDD"
"Kailangan mo ng tulong anak?"kailangan ko ang tulong ni Persues T^T
"Ahhh... okay lang ma! Um... magpapaturo lang ako ni Shane" magpapaturo kay Shane?! Seryoso?! That's impossible!
"Ah ok" nagmadali akong lumabas bago pa man may maitanong pang iba si mama
Naglalakad lang ako na hindi ko alam kung saan ang destinasyon ko. Ayokong pumunta kila Shane sa totoo lang ginawa ko lang siyang rason para maka labas ako atsaka hula ko nagtutukaan pa sila ng jowa niya. Wag kang mag aalala Skyler magkaka ganyan ka rin
"Sa tamang panahon"bulong ko sa sarili
Napa tigil ako sandali at nakitang napadpad na pala ako sa park. Pinanuod ko ang mga batang nagsisitakbuhan at naglalaro kasama ang mga kaibigan nila. May nakikita din akong mag jowang nag-uusap habang naka upo sa bench pero parang nagbubulungan silang dalawa. Alam ko kung anong sinasabi nila sa isa't-isa
'Ang baho ng hininga mo love'-lalake
'Ikaw din love eh...'-babae
'We're meant to be mwah.. mwah...mwah...-lalake
Hahahha! May manaknock out kaya sa kanilang dalawa? Hahahaha! Ka bwiset kayo-___-
Kinapkap ko ang cellphone ko habang naglalakad. Kinhuha ko ito sabay tingin sa lock screen
YOU ARE READING
[M.W.Y.C]My Wish and Your Commands(On-Hold)
FantasyI had my eyes at a guy named Cody Beumont pero there's one problem he's everything and I'm nothing... Teka! This isn't your ordinary romantic cliché story na madalas niyong nababasa na kung saan gwapo si Boy at panget si girl tas nagpaganda lang muk...
![[M.W.Y.C]My Wish and Your Commands(On-Hold)](https://img.wattpad.com/cover/149297389-64-k110047.jpg)