“Thank you, tatay!” Malapad na ngiti ng anak matapos siyang magluto ng simpleng ulam.

“Welcome, young lady.” Sagot niya habang ginugulo ang buhok ng anak.

“Tatay?”

“Yes?”

“Mabubuo na po ba ang pamilya natin?”

Natigilan siya sa tanong ng anak niya. Hindi pa kasi nila napag-usapan iyon ni Mary Grace.

“Ahm- I hope so. Depende kasi ‘yon sa nanay mo, anak.”

“Gan'on po ba? Sana po mabuo na ang pamilya natin.” Bagsak ang balikat na sagot nito.

“Sana nga, anak. Don’t worry, hindi ko titigilan ang nanay mo. Liligawan ko siya ulit.” Nakita niyang lumiwanag ang mukha ng anak niya.

“Okay po! Nga pala, Tay, thank you po.”

“For what?”

“Kasi nandito ka pa. Akala ko po wala na kayo pag-gising ko eh.”

Ngumiti siya at tinitigan ito. “Hindi na ako mawawala, anak.”

“Thank you po ulit, Tay.”

“Welcome, anak.”

Pinangako niya sa sarili niya noon na kapag nakita niya ang mag-ina niya, hinding-hindi na niya pababayaan ang mga ito. At ngayon nga natagpuan na niya sila, sila na ang magiging mundo niya. Sila na ang magiging buhay niya. Laking pasasalamat niya na nabigyan siya ng pagkakataong makabawi sa mga ito.

“Tay?” Bumalik sa kasalukuyan ang isip niya nang marining ang boses ng anak.

“Hmmm?”

“Mahal niyo pa po ba si nanay?”

“Oo naman. Ni minsan hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya.”

Malapad itong ngumiti. “Okay po.”

“Kumain ka na.” Aniya nang mapansing hindi pa kumakain ang anak niya.

“Hintayin ko lang po si nanay. Hindi kasi ako sanay mag-agahan na hindi siya kasama.”

“Go, gisingin mo na siya. Para makakain na kayo.”

“Kami lang po? Eh kayo po?”

“Lalabas muna ako sandali. Kumain lang kayo dito, okay ba ‘yon? Babalik din ako agad.”

“Okay po. Gisingin ko lang po si nanay.” Anito at naglakad patungo sa kwarto nila. Este, sa kwarto ni Mary Grace.

Siya naman ay lumabas ng bahay at naglakad patungo sa kung saan.

NAGISING SI Mary Grace sa boses ng anak niya. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata at napansing mataas na ang sikat ng araw.

“Good morning, Nay.” Bati ng anak habang nakayap sa beywang niya.

Agad na pumasok sa isip niya ang ginawa nila ni Keith kagabi kaya mabilis niyang sinuri ang katawan niya, sa pagkakatanda niya, nakahubad siyang natulog.

Nagsalubong ang kilay niya nang makitang nakadamit na siya. Gumuhit agad sa mga labi niya ang malapad na ngiti. Keith.

“Good morning, anak.” Bati din niya sa anak.

“Mag-agahan na po tayo, Nay.” Anito at bumangon sa pagkakahiga sa tabi niya.

“Okay, fine. Magtoothbrush muna ako sandali.” Aniya at bumangon na rin at naglakad patungo sa banyo na nasa kwarto niya.

Napailing siya nang makitang naroon ang damit at underwear niya na hinubad ni Keith kagabi. Nakatupi na iyon.

Habang nagsi-sipilyo, ramdam niya ang pangangalay ng buong katawan niya.

Branded Series Book 1: Mary Grace (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz