Bracelet. (KathNiel Oneshot)

81.3K 2.3K 820
                                    

"Nagbago ka na."

Hindi mo siguro alam kung gaano mo ko nasaktan ng sinabi mo yan sakin.

Naalala mo ba dati nung nagbreak kami ni Kevin? Sinabi niya sakin na "Hindi na kita mahal." Apat na salitang sobrang pinaiyak ako.

Pero yung sayo, iba e. Ibang-iba.

Tatlong-salita lang yan, pero parang gumuho na ang mundo ko.

Kasi, totoo.

Nagbago na nga ako.

Naaalala ko pa kung paano tayo unang nagkakilala. First year high school tayo nun. Sa high school, tayo ang tinuturing na 'bagong salta'. Kumbaga, sa pag-evolve ng isang paru-paro, isang itlog muna tayo.

Takot na takot akong makipaghalubilo sa kahit sino. Homeschooled ako buong elementary life ko, kaya wala akong alam sa pakikipagkaibigan. Naglagay ako ng 'invisible barrier' mula sa sarili ko at sainyo.

Pero ikaw ang unang bumali nun.

"Hi."

Napatingin ako sayo nun. Ikaw yung lalaking mukhang tambay sa kanto dahil ang payat-payat mo, tapos yung buhok mo, parang pinya dahil nakataas at may pa-spike spike pa.

Ikaw pala ang tinatawag nilang 'seatmate' ko.

Ilang segundo siguro ang lumipas bago ako sumagot ng "Hello."

Yumuko ka nun at nagkamot ng ulo. Nagtaka ako sayo kasi tarantang-taranta ka. Akala ko nga natatae ka e, ayaw mo lang magpaalam kay ma'am dahil nahihiya ka.

Pero hindi pala, kasi bigla ka na lang tumingin sakin ng seryoso.

"May extra bolpen ka pa?"

Napatingin ako sa notebook mo, at dun ko lang napansin na habang lahat ay kumokopya sa board ng 'Rules and regulations' ni ma'am, e wala ka pang naisusulat.

Nakalimutan mo ang bolpen mo, first day na first day ng klase.

One-Shot Stories: A CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon