Chapter 40

59.5K 2K 183
                                    

Nakaupo lang ako rito sa sala habang hinihintay ang Mommy nina Karla at Kevin. Nagpe-prepare pa raw kasi siya at alam kong medyo matatagalan dahil kagagaling niya pa lang sa treatment. Pero ang lakas na ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

How did Kevin manage to stay calm when he was talking with Dad?!

Hindi ko naman magawang ilabas ang phone ko at mag-browse dahil baka maabutan nila ako at isiping uninterested ako o 'di kaya rude. My god, nakakabaliw maghintay!

Sakto namang narinig ko ang pagbukas ng pinto mula sa second floor kaya umayos ako ng upo. Pagtingin ko, nakaalalay si Karla sa Mom niya habang si Kevin naman ay nakasunod sa kanila. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at hinintay silang makababa mula sa hagdan.

"Hello, Alice," she greeted with a broad smile on her face.

"Good evening po," bati ko naman.

She was still wearing a bandage on her hand but aside from that, she looked better.

"Tara na sa table at baka lumamig ang pagkain," sabi naman niya kaya dali-dali akong sumunod sa kanila pero tumama ang tuhod ko sa edge ng low table sa sala nila at napakagat ako sa labi ko para hindi ako mapasigaw.

I was already thinking that I'd be doomed but Kevin was still smiling from ear-to-ear. Nakakainis dahil parang nag-e-enjoy pa siya sa paghihirap ko para lang magmukhang presentable sa harap ng Mom niya.

Pagpunta namin sa dining area ay tinap ni Kevin ang upuan sa tabi niya kaya doon na ako pumwesto habang ang Mom niya naman ang nasa kabisera. Karla sat opposite to me and I realized I was surrounded by the three of them.

Kumain muna kami dahil mukhang gutom na rin sila pero hindi pa rin ako mapakali lalo na't ramdam ko ang tension sa pagitan naming apat.

"So, when will you be boyfriend and girlfriend?" biglang tanong ni Karla kaya muntik ko nang maibuga ang iced tea na iniinom ko.

I heard their Mom chuckling and Kevin was just staring at me, as if he was waiting for an answer. H'wag mong sabihing sineryoso niya talaga 'yong tanong?!

"I heard he's courting you," dagdag naman ni Tita Kristina kaya uminit ang mukha ko. "I wasn't aware he knows how to court a girl."

"He's bad at it," Karla commented.

"Uhm . . ."

"Stop it, you're making her uncomfortable," sabi ni Kevin. "I'm good, right?"

Pinigilan ko namang ngumiti habang tinitingnan sila. Kevin must be happy to be with his Mom again. I didn't know he could be this cute when arguing with his family.

"Well, he's trying," sagot ko kaya napatingin silang tatlo sa akin.

"See? That means you're bad," Karla said and he smirked at her brother.

Tuluyan na akong napangiti dahil sa expression ni Kevin. He looked confused and dejected. Ang totoo, hindi ko lang kayang sabihin na masyado siyang magaling sa pagpapakilig dahil baka lalo lang niya akong asarin.

"Figures," their Mom remarked. "Your Dad is also bad at it."

"Dad? Why?"

"It was the other way around. Girls are the ones courting him. That dummy can get a girl without any effort because of his looks. I feel sorry that you got his features," sabi ni Tita Kristina kaya natawa kami ni Karla.

"Sounds familiar," dagdag ko. "May ganyang playboy din sa campus, eh.

"Where's that old man when I need him the most?" Kevin muttered.

Crowned Princess (Kingdom University, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon