Chapter 27

74.3K 2.6K 680
                                    


"Here comes the pa-fall!" pang-aasar ni Yna kaya sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan naman ako nina Steff at Jess.

Kita n'yo 'tong mga 'to. First day ng sem, ako agad ang target.

"Crush ka naman pala, eh. Kaso rejected pa rin. Pfft," dagdag pa ni Jess kaya binatukan ko siya.

"So anong gagawin mo 'pag nakita mo siya?" tanong naman ni Steff.

Napabuntong-hininga na lang ako dahil umaga pa lang ay pinagtitripan na nila ako. Dapat talaga 'di ko kinuwento sa mga babaeng 'to ang nangyari, eh.

Nandito kami sa garden dahil break naming apat. In fairness, pareho ang vacant period namin sa umaga kapag Monday. Mukhang ma-a-adjust ang schedule ng pagpunta ko sa org.

Speaking of org, baka makita ko ro'n si Kevin at 'pag nangyari 'yon ay hindi ko alam ang dapat kong gawin. Things became awkward after what happened at the restaurant. Naalala ko na naman tuloy ang gabing 'yon.

He abruptly left after that 'confession' and I didn't know what to do. After a few minutes ay tumayo ako at hinanap siya pero mukhang hindi ko na siya naabutan. Sabi ng staff na nag-assist sa amin kanina ay nabayaran na ang bill namin pero bigla kong na-realize na sinundo nga pala ako ni Kevin sa amin at walang maghahatid sa akin ngayon dahil iniwan niya ako. I guess kailangan kong mag-book ng taxi—

"Evening."

Natulala naman ako dahil sa entrance ng restaurant ay nakasandal doon si Patrick Reyes. I was still in daze but he started walking toward his car and motioned me to follow him. Dahil gusto ko na ring umuwi ay agad na akong sumakay.

There was an awkward silence between us. Hindi ko pa naman siya nakakasama nang kami lang dalawa dahil kadalasan ay kasama namin ang mga kaibigan namin.

"Did he call you?" tanong ko pero hindi ako tumingin sa kanya.

"Yeah," he answered. "Pinapahatid ka niya."

Tumango na lang ako at nanatiling nakatingin sa labas. Pinaandar naman ni Patrick ang sasakyan niya. Hindi pa rin nagsisink-in ang lahat sa akin pero ang alam ko lang, mas matimbang ang lungkot na nararamdaman ko ngayon.

Nilabas ko ang phone ko at tiningnan kung may message siya pero wala akong kahit anong natanggap. I viewed our last conversation and I had the urge to text him but I decided not to. Things would be more awkward and it would be better to talk to him in person.

"Sorry for his behavior," biglang sabi ni Patrick kaya napatingin ako sa kanya. "He's the type of person who would get rid of something that confuses him, instead of understanding it."

Napaisip naman ako sa sinabi niya at mukhang tama siya. Gaya na lang ng nangyari sa Mom niya. There must be reasons to why she left them but he had no intentions of hearing them, even if that meant hurting himself in the process.

Huminga na lang ako nang malalim at hinayaan ko na lang siya ihatid ako pauwi. Habang nakatingin ako sa labas ay may nakita akong resto bar kaya lumingon ako kay Patrick.

"Ano palang nangyari sa inyo doon sa bar?" tanong ko at nasamid siya bigla. Saglit akong napangiti dahil mukhang napag-usapan na nila 'yon ni Jess at paniguradong hindi 'yon naging maganda.

"Ah. That. Sinamahan ko lang siya. He kept drinking but he said he couldn't get drunk. Sabi ko umuwi na kami dahil baka hinahanap na siya ni Karla pero bigla namang may nagpakita sa amin."

His face suddenly turned grim and it seemed like he was getting angry.

"Stan saw us there and it turned out he knew about Kevin's mom."

Crowned Princess (Kingdom University, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon