Promise

236 16 0
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. All the names, characters, business, places and events are based on the author's imagination and is used in fictitious manner.

This is not affiliated with some places that has been mentioned in the story.

-----

His POV

Napangiti ako ng makalabas ako ng airport,finally nandito na ulet ako sa Pilipinas,its been 5-6 years I guess simula ng umalis kami dito...

Agad akong sumakay sa aming kotse

"Sir may gusto po ba kayong puntahan?" Tanong ni manong driver saken

Then may naalala ako,na naging dahilan para ako'y mapangiti ng malapad

"Meron kuya pero pwede bang pakihatid mo muna ako sa bahay? tapos kukunin ko lang yung kotse ko para makaalis ako." sagot ko tapos tumango lang siya


Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na kami sa bahay,di na ko nagabala pang pumasok sa loob ng bahay,dali dali kong kinuha ang susi ng kotse ko at pinaandar ito

Dumaan muna ako sa isang flower shop,para bumili ng bulaklak

Flashback

"Gusto ko bilhan mo ko ng bulaklak paguwi mo." nakangiti niyang turan habang kausap ko siya sa video call sa Skype

"Sure babe yun lang naman pala,what kind of flower ba?" Nakangiti kong tanong sa kanya

"Gusto ko pink roses hihi." kinikilig niyang turan habang kinikilig

End of flashback

Nabalik ako sa realidad ng biglang magsalita 'yong tindera

" Good afternooon sir,how may I help you?" magiliw nitong bati sa akin

"Good afternoon,uhmm miss paarrange ako ng bouquet of pink roses." nakangiti kong sagot sa kanya

"Okay po sir,para kanino po ba?" Kinikilig na tanong ng babae sa akin

"Sa fiancée ko." sagot ko na naman sabay ngiti

"Ang swerte naman po ng fiancée niyo sa inyo." sabi pa niya,napangiti na lang ako ng may maalala na naman

Flashback

"Babe!" tawag niya saken mula sa kabilang linya

"Po?" Tanong ko naman sa kanya

"Ang swerte ko sayo no?" Sabi pa niya dahilan para mapangiti ako ng pagkalapad lapad

"Hahaha pano mo nasabi?" Tanong ko

"Kasi nasayo na lahat eh." sagot naman niya

"I love you babe!" sabi ko pa na siyang ikinapula niya

"I love you most babe!" sagot naman niya

End of flashback

"Sir okay na po." sabi nung babae

"salamat,eto yung bayad." pagkaabot ko ng bayad agad kong kinuha ang bulaklak at bumalik na sa kotse ko

Nagdrive ako sa lugar kung nasan siya ngayon, hayy sa wakas makikita na din kita,bulong ko sa isipan ko

Nang marating ko ang lugar na 'yon,nag park ako sandali sa tapat nito

Bumaba ako sa aking sasakyan habang dala dala ang isang bouquet ng bulaklak

Dahan dahan kong nilapag ang bulaklak sa may lapida niya,tama kayo ng nabasa,lapida niya

She died few months ago.

"Hi babe!" sabi ko habang nakangiti pero kasabay din non ang pagtulo ng aking mga luha

"Sa wakas nakauwi na ko,napuntahan na kita ah,ayan I didn't break my promise,sinurprise kita!" natatawa kong turan habang patuloy na umaagos ang aking mga luha

Flashback

"Babe gusto ko pag umuwi ka,ako agad ang una mong pupuntahan ah!"

"Opo babe."

"Isuprise mo ko ah."

End of flashback

Hanggang ngayon tanda ko pa din,at masakit pa din.

"Sinurprise kita babe pero di nga lang sa school mo dito nga lang sa sementeryo,I miss you babe,namimiss ko na yung tawa mo,yung ngiti mo,yung boses mo lahat lahat na." pagpapatuloy ko pa

"Sayang kasi wala kana,naalala ko pa non sabi mo kailangan pakasalan kita kasi kung hindi yare ako,sabi mo pa wala kang ibang gustong makasama kundi ako lang."

Flashback

"Babe dapat pakasalan mo ko ah,kasi kung hindi talagang sinasabi ko sayo malilintikan ka saken,tuparin mo pangako mo ah,gusto ko ikaw yung makakasama ko habang buhay,yung magiging asawa ko at magiging ama ng mga anak ko,I love you babe!"

End of flashback

"Ang daya mo babe hahaha sabi mo walang iwanan diba?pero bat iniwan mo na ko?pano na ko?tayo?" Tapos lalo akong napahagulgol

"Pero kahit wala kana nandito ka pa din sa puso ko,at walang kahit sino ang makakapalit o makahihigit sayo,mahal na mahal kita."

Ilang minuto pa ang nagdaan at nagdesisyon na din akong umuwi ng biglang...

Nagpakita siya saken,she's smiling tapos she mouthed 'I love you'

Masaya ako na masaya siya

"Wait for me babe okay?dyan natin sa langit itutuloy ang naudlot nating pagmamahalan." sabi ko pa then she just nod

Tapos maya maya pa bigla na lang siyang nawala...

Magkakasama din kami

One Shot CollectionWhere stories live. Discover now