Fixing The Past

287 19 6
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. All the names, characters, business, places and events are neither the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to the actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This is not affiliated with some places that has been mentioned in the story.

Plagiarism is a crime.
----------

Fixing The Past

Cast:
Hans Vergara
Arci Vergara

" Every friendship travels at sometime through the black valley of despair. This tests every aspect of your affection. You lose the attraction and the magic. Your sense of each other darkens and your presence is sore. If you can come through this time, it can purify with your love, and falsity and need will fall away. It will bring you onto new ground where affection can grow again."

Hans' POV

"Wala kang kwenta!"

"Lumayas ka sa pamamahay na to!"

"Ang kapal ng mukha mong umuwi ng ganitong oras!"

"Lagi ka nalang ganyan!Wala ka nang ibang ginawang mabuti dito sa pamamahay na to!"

"sana pala hindi nalang ako nalasing nang sa ganon walang nangyari sa atin!edi sana kapatid mo ang napang-asawa ko at hindi ikaw!"

"Pwede ba?!huwag mo kong ikukumpara sa kapatid kong 'yon,magkaiba kami." asik ko pa habang napapailing.

Iyan lang naman ang iilan sa common lines ng asawa ko tuwing uuwi ako ng late sa bahay namin.

Kung tatanungin mo ako kung mahal ko.Oo mahal ko pa.Pero nakakasawa na din eh,nakakapagod.

"Wala ako sa ganitong sitwasyon kung hindi kami nakagawa ng pagkakamali, Sa araw ng engagement nila ng kapatid ko nakagawa ako ng kasalanan. Nagpadala ako sa init ng katawan."

Sa sala ako natulog dahil galit si misis.

________________________________________________________

"Hans!gising na aba tanghali na!" Napabalikwas ako ng marinig ko ang boses ng yaya ko.Teka matagal ng patay yaya ko ah? Pag dilat ko, nagulat ako dahil nandito ako sa bahay ng magulang ko. Nasa sariling kwarto ko ako nung binatilyo pa ako. Tumayo ako at nagsalamin. Nagulat ako dahil ang itsura ko nung kabataan ko ang kaharap ko sa salamin. Nananaginip ba ako?pumikit ako at kinurot ng ilang beses ang sarili ko dahil baka sakaling panaginip lang ito "aray!" tsk pagdilat ko andito pa din ako.

Ano to?

Anong nangyayari?

Hays ano bang nangyayari sakin?

Bumalik ba ako sa pagiging binata?

Pero nasaan ang asawa ko?nasaan si Arci?naasan ang anak namin?

Dali dali akong nagtungo sa banyo upang maligo,

Pagkatapos kong maligo dali dali akong bumaba at nagtungo sa kusina,laking gulat ko ng makita ko sina mom,dad at kuya na nagbe-breakfast.

"oh son gising ka na pala." pambungad ni dad ng makita ako

"kumain ka na Hans at pumasok ka na sa school mo baka malate ka." sabi pa ni mommy kaya dali dali akong umupo sa upuan ko at kumain

"nga pala bro,huwag mong kalimutan,engagement party namin ni Arci mamaya,don't be late!" ani ng nakatatanda kong kapatid na si Harry.

"oo kuya hindi ako malalate." sagot ko sabay ngiti.

*
Andito na ko sa school,pero di pa din talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari,bumalik ako sa pagiging college student hays

One Shot CollectionWhere stories live. Discover now