OS #12

19.1K 601 60
                                    

XII.
Pitik

NANDITO 'ko sa may hagdanan. Hinihintay ko siya. Mas nauna kasi kaming mag-uwian kaysa sakanila. Saka sigurado ako na kinokopya no'n lahat ng sinusulat ng teacher niya. Napakasipag.

Bawal ko siya hintayin sa room nila.

Bakit? Kasi nadi-distract daw siya.

One time nga, hinintay ko siya sa tapat ng room nila tapos pasulyap-sulyap siya sa'kin. Napagalitan tuloy siya ng teacher niya.

Ang cute niya, diba?

"Oh, Adrian. Anong ginagawa mo d'yan?" Napalingon ako sa nagsalita.

Si Janna, kaklase ko.

Ngumiti ako. "Hinihintay si Myla."

"Ah." Napatawa siya. "Kaya ka nandito sa hagdan dahil sa nangyari no'ng nakaraan?"

"Oo." Napakamot ako ng batok. "Alam mo naman, pogi." Sabay kindat ko.

Tumawa siya. "Still mahangin as always."

"Adi." Napalingon ako at nakita ko si Myla na walang ekspresyon ang mukha.

This is what I don't like about her. Madalas siyang expressionless at emotionless. Kaya hindi mo malaman kung anong nararamdaman niya.

"Sige, Adrian. Una na 'ko. Bye. Bye Myla." At nagmadaling bumaba si Janna.

Nilingon ko si Myla at nakitang naglakad siya papunta sa harap ko.

"Aray!" Napahawak ako sa kanang mata ko nang pitikin niya 'yon.

Buti na lang nakapikit ako kaagad. Pero masakit pa rin!

"Kindat pa." Tanging sabi niya at nauna ng bumaba.

Napabuntong-hininga naman ako at sumunod sakaniya bago siya akbayan.

Swerte ako sakaniya. Napakaswerte. Dahil simula pa lang, alam niyang hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. Sinabi ko sakaniya 'yon, pero ayos lang raw. Panghahawakan niya raw 'yong doubt ko sa nararamdaman ko. Hindi naman daw kasi ako malilito, kung talagang wala kong nararamdaman para sakaniya.

Alam ko, unti-unti na siyang nagsasawa. At malapit na siyang maubusan ng pag-iintindi. Three months na kami, pero hindi ko pa nasasabi sakaniya 'yong tatlong katagang gusto niyang marinig.

Ano bang magagawa ko? Hanggang ngayon, hindi ko pa rin sigurado kung mahal ko na nga siya. Pa'no ko ba masisiguro 'yon?

* * *

"BIBILI lang ako ng tubig." Paalam niya. Nagtaka naman ako kasi hindi pa siya umaalis.

Tinaas ko 'yong dalawa kong kilay. "Bakit?"

Napabuntong-hininga naman siya at umiling. Napakunot-noo naman ako.

"Hindi ka talaga gentleman." Bulong niya at naglakad na papuntang counter.

Kumakain kami ngayon dito sa cafeteria. Bati na kami, kung away ba ang tawag do'n. Gano'n niya ko kamahal, isang sorry lang, ayos na. Pero hindi ko ikinatutuwa 'yon. Kasi naiisip ko na balang araw, kahit makailang sorry ako, hindi niya na 'ko pakikinggan.

Hay, 'wag naman sana.

Napatigil ako sa pag-iisip nang may kumalabit sa'kin. Napalingon ako at napangiti. "Oh, Janna."

"Ikaw lang? Kung wala kang kasama, pwedeng maki-table?" Tanong niya at inilibot 'yong tingin.

Tiningnan ko naman si Myla at nakitang nakapila siya kaya hindi siya nakita ni Janna. "S-Sure."

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon