OS #21

13.9K 467 85
                                    

XXI. Last Play

"Ibaba niyo na 'yong kurtina!" Narinig kong mahinang pasigaw no'ng director-kuno namin do'n sa mga kaklase namin.

Hanggang sa bumaba 'yong kurtina ay nakayuko ako sa lalaking nakahiga sa hita ko at nakapikit. Narinig ko ang sigawan at palakpakan ng mga nanunuod kahit nakababa na 'yong kurtina.

Tumayo na si Joem mula sa hita ko habang namumula 'yong mukha at pinigilan ko naman 'yong tawa ko dahil baka marinig no'ng mga manunuod sa labas.

Nang makarating na kami sa backstage ay saka ko pinakawalan 'yong tawa ko, "Ano ba 'yan, Joem! Ilang beses na ba nating nagagawa 'to? Ba't hanggang ngayon namumula ka pa rin?!" Nahihirapang sabi ko dahil sa pagtawa.

Mas lalo naman siyang namula at nataranta, "'W-Wag mo na 'kong a-asarin, Lynn."

Natatawa naman akong nagpalit sa dressing room at pagkalabas ko at kalalabas na rin niya.

Nakayuko, pogi. Side view, pogi. Namumula, pogi. Nakatingin sa'kin, pogi.

Kahit saang anggulo, pogi!

Nakangisi ako sakaniya at kagat-kagat niya naman 'yong labi niya habang nakaiwas ng tingin.

Naka-lip bite, pogi!

"Wala talaga kayong kupas!" Biglang labas no'ng kaklase namin na director-kuno.

"Lalo naman 'yang dalawang 'yan." Tukoy no'ng mga kaklase namin sa'ming dalawa ni Joem.

"Kami pa ba? Bagay na bagay kami niyan ni baby Joem." Nakangising sabi ko at namula nanaman siya na siyang ikinatawa ko.

"Bully ka nanaman, Lynn." Naiiling na sabi ni director-kuno, "Bukas sa St. Paul High School naman tayo. Pagbutihin niyo do'n dahil may pagka-high class 'yong eskwelahan na 'yon. Gano'ng oras pa rin ang kitaan sa school. 'Wag male-late." Bilin niya sa'min.

Tumango naman kami parehas at isinukbit ko na 'yong kamay ko sa braso ni Joem, "Uwi na kami ng baby ko." Paalam ko sa mga kaklase namin at tinukso muna nila kami bago tuluyang pinauwi.

May ginawa kasing project ang school namin na play no'ng nakaraang buwan. Dapat ay sa school lang talaga siya, kaso no'ng napanuod kami ng isang supervisor, ini-advice na i-play din namin sa ibang schools. Siya ang bahala sa expenses at ang advantage naman namin ay wala na kaming project sa lahat ng subject. Kaya every Saturday at Sunday ay may binibisita kaming school para ro'n magperform ng isang stage play.

Kami ni Joem ang madalas gawing bida sa mga gan'tong play. Simula pa no'ng first year high school hanggang ngayong second year college. Magkasama kasi ang high school at college sa campus namin, magkaiba lang ng buildings.

Nakilala na kaming dalawa ng buong school kaya pag mag mga play ay kaming dalawa kaagad ang inere-request.

"S-sa bahay ka raw mag dinner sabi ni Mommy. Nagpaalam na siya kay Mama." Nakaiwas pa rin ang tingin na sabi niya nang tiningala ko siya.

"Oh, anong ulam?" Excited na tanong ko.

"Saka raw siya magluluto pagdating do'n para matanong tayo kung anong gusto natin."

Tumango-tango naman ako at pinagbuksan niya 'ko ng pinto ng kotse niya bago isinara. Patakbo naman siyang umikot papunta sa driver seat.

Mama ang tawag niya sa Mom ko. At Mama ang tawag ko sa Mom niya. Mag bestfriend 'yong dalawang 'yon at madalas nagkikita no'ng bata pa kami. Lagi kaming isinasama sa mga lakad nila kaya naging magkaclose kami ni Joem.

Simula pagkabata ay gan'to na siya kamahiyain. No'ng una pa nga'y hindi niya 'ko kinakausap at puro pamumula lang ng mukha ang isinasagot niya sa mga sinasabi ko. Halata naman kasi sigurong ako ang madaldal sa'ming dalawa, diba?

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon