OS #22

15.4K 467 29
                                    

XXII. Bata

"Abby! Bilisan mo diyan, aba! Nandito na si Dino!" Sigaw ni Mama mula sa baba.

"Pababa na, 'Ma!" Nagmamadaling sigaw ko at sinulyapan ang sarili sa salamin bago bumaba.

"Napakabagal talaga." Naiiling na sabi ni Dino.

Tinaasan ko lang siya ng kilay bago humalik sa pisngi ni Mana. Kinuha ko 'yong bag ko sa upuan at isinukbit sa balikat ko.

"Alis na kami, Ma." Paalam ko at nauna nang lumabas.

"Una na po kami, Tita." Narinig kong paalam ni Dino at maya-maya'y nasa tabi ko na siya.

Humarap ako sakaniya at ngumiti, "Sabay tayong uuwi mamaya?" Tanong ko sakaniya.

Napakagat-labi naman siya at nagkamot ng batok, "Sorry, ading. Didiretso na kasi ako sa barangay mamaya pag uwian. Bukas, promise!" At pinakita niya pa 'yong pinky finger niya.

Nakanguso ko namang tinanggap 'yon at ginulo niya 'yong buhok ko bago kami naglakad ulit.

Mas matanda sa'kin si Dino ng dalawang taon. Pero nagkasanayan nang 'di ko siya tinatawag na kuya. First year college siya ngayon at third year high school ako. Nasa parehas na campus lang kami, magkahiwalay lang ang building.

Working student siya. At sa barangay siya nagtatrabaho, na bagay naman sakaniya dahil sa matipuno niyang katawan. Masyado nga siyang masipag. Mas masipag pa yata siya sa mas mataas ang posisyon sakaniya.

"Pasok na. Mag-aral ng mabuti. At 'wag manlalaki. Mag-aral muna." Paalala nito na siyang ikinatawa ko.

"Ikaw ang 'wag mambabae. Magaganda pa naman ang mga babae sa college." Pairap na sabi ko.

"Mas maganda ang ading ko ro'n." Nakangiting sabi niya at ginulo nanaman ang buhok ko, "Pasok ka na."

Nangingiti naman akong nagpaalam sakaniya at pumasok na.

***

"Bumili ka ng paminta't sibuyas, 'nak. Ubos na pala. Bilisan mo't kailangan ko na." Utos ni Mama sa'kin habang nagluluto ng hapunan namin.

Kaagad naman akong tumayo at kinuha 'yong twalyang nakasabit sa railings ng hagdan bago kunin 'yong pera sa wallet ni mama. Itinabing ko 'yong twalya sa'kin dahil nakasando lang ako. Halos kauuwi ko lang kasi.

At oo, ako lang ang umuwi. Walang Dino. Dahil pinatawag siya kaagad ng barangay.

Bwisit! Pinky-pinky pang nalalaman!

Pagkaliko ko sa street papunta sa bilihan, nagtaka ko kasi medyo maraming tao tapos may tinitingnan.

Nagmano ko sa Ninong ko na nakasalubong ko, "Ano pong meron diyan, 'Nong?" Nag-aalalang tanong ko nang makitang may sasakyan ng barangay.

Ibig sabihi'y nandiyan si Dino. Kaya pala siya pinatawag. Nagalit pa 'ko.

"May nag-aaway na mag-asawa." Nakahinga naman ako ng maluwag nang hindi naman pala masyadong grabe, "Sa'n ka ba pupunta?"

"Bibili po 'ko ro'n." Turo ko sa tindahan na mapupuntahan ko lang pag nilagpasan ko 'yong lugar kung sa'n may nag-aaway.

"Halika't sasamahan na kita. Lagot ako sa Mama mo pag nadamay ka diyan." Naiiling na sabi niya at sinamahan akong dumaan do'n, "Makikiraan po." Paulit-ulit na sabi ni Ninong. Nilibot ko naman 'yong tingin ko pero wala si Dino. Baka nasa loob ng bahay no'ng mag-asawa.

Nakalagpas na kami ro'n at nakarating sa tindahan, "Salamat, 'Nong." Nakangiting sabi ko.

Tumango naman siya, "'Wag nang dadaan do'n pauwi. Do'n ka sa kabilang street dumaan."

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon