Chapter 14~

3.4K 105 4
                                    

My goodness! What is he doing here?! Well what do you think Snow? Coffee shop ito kaya what so big deal? Wag mo sabihing akala mo na nandito sya kasi nandito ka? Naku! wag masyadong assuming Snow.. malala na yan! Aist! baliw na yata ako eh! kausapin ba naman ang sariling isip! Tsk.

"Diba sya yung guy na naghatid sayo sa bahay?" tanong ni kuya matapos pag-ukulan ng tingin si Lohan na nasa counter. Yup! you read it right everyone. Si Lohan na naman. Hayss...

"O-opo kuya, sya nga po yun." nahihiya kung sagot. Tumango tango nalang din si kuya.

Nung napansin naming natapos na si Lohan sa counter at naghahanap na ito ng mapwestohan. Biglang tinawag naman sya ni kuya na nagpagulat sa akin. Natatarantang sinaway ko naman siya. Naman eh! Kainis, bakit pa nya kailangang tawagin sya.

Kumakabog ng malakas ang puso ko ng makitang papunta na sya sa direksyon namin. Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko, Goodness!

"Diba friend ka ni Snow? dito kana sa table namin." bungad ni kuya sa kanya.

"Kuya Vince, baka may kasama sya, nakakahiya.." pagpigil ko kay kuya, pero dedma ang beauty ko. Naman nakakahiya, pano kung may kasama talaga sya.

"By the way, I'm Vince Park..Kuya ni Snow." pagpapakilala nya dito at nakipagkamay pa.

"I'm Lohan Sy." simpleng sagot nito.

"Nice to finally meet you, have a sit." makahulugang sabi ni kuya at iginaya nya naman ito sa pag-upo. Pumwesto ito sa kaharap kung upuan. Nasa gilid ko kasi nakapwesto si kuya.

Binalingan nya naman ako ng tingin at bahagyang ngumiti. "Hi.." bati nya sa akin.

"H-hi.." shet! hindi ko mapigilang hindi mautal. Hindi ko alam kung matutuwa or maiinis ako sa pagkakataong ito eh.

"Excuse me, maiwan ko muna kayo ha.. Sa loob ko nalang gagawin tong work ko." Pagpapaalam ni kuya. Naman kuya! Bakit ka aalis?! Naghuhurumintado na ang kaluoban ko dito tapos iiwanan mo pa akung kasama... itong lalaking kaharap ko?! Gahd!

"I't very nice to meet you again Lohan" dagdag pa nito.

"Same here, Mr. Park." magalang din naman sagot ni Lohan.

Binalingan naman ako ni kuya. Hinalikan nya ako sa pisngi, pero bago tuluyang lumayo ay may ibinulong pa syang ikinabigla ko talaga.

"It's your time to know your true feelings, princess.. Remember  what I tell you awhile ago." at lumayo na sya. "Ipapasunod ko na yung order mo" baling nya ulit kay Lohan.

"Thanks." sagot naman nito.

Tahimik lang kaming dalawa, mukhang walang may magtangkang magsalita sa amin. Hindi ko sya tinatapunan ng tingin, baka kasi kung anung isipin nya pag mahuli nya ako. Pinagmamasdan ko lang ang mga taong narito sa loob ng shop.

Hanggang sa dumating ang order nya at doon ko lang sya nagawang tingnan.

"Chocolate latte din?" biglang tanong ko ng makita ang inorder nyang drink.

"Yeah.. bawal sa akin ang coffee diba." hindi yun patanong, kundi statement talaga. Okay. Bahagya pa akung natawa at napatingin naman sya sa akin with a questionable look.

"It's nothing, don't mind me.." at ibinalik ko na ulit ang atensyon ko sa cake ko.

Kahit na tahimik kami ngayon ay hindi ko ramdam na awkward ito. Alam nyo yun, parang wala lang.. Chill lang kung baga. But there's something in me na hindi ko mapangalanan.. Basta weird feeling! Aish..

My Brothers and I!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon