Chapter 32~

3.4K 112 43
                                    

Snow's POV


Nagising ako ng maramdamang may mabigat na bagay na nakadagan sa tyan ko. Kinusot ko pa ang mata ko para makitang mabuti kung ano iyon. At ikinabigla ko naman ng makitang braso ng isang tao iyon, at dahil nasa dulo na pala ako ng kama ay nahulog ako ng wala na akong masandalan. Napa aray pa ako dahil sa sakit. Pero teka! Kaninong braso-- sinong kasama kong natulog sa kama?!!! Gosh! dahan dahan ko pang sinilip ang taong nasa kama ko. At talagang napanganga ako ng literal ng mapagsino ang taong iyon. Agad kong tinakpan ang bibig ko dahil baka mapasigaw ako at bumalik sa pag-upong nakayuko sa gilid ng kama. 


S-si Lohan? Gosh! Paanong....anong nangyari kagabi?! May nangyari ba? Pero teka, suot ko pa naman yung damit na ipinampalit ko kagabi ah. So ibig sabihin , wala ngang nangyari! Hay~.. nakahinga naman ako ng maluwag dahil dun.


Dahan-dahan ko ulit na sinilip ang nahihimbing paring si Lohan, and in fairness ang gwapo sobra! Kung ganito lang din naman ang view ko sa paggising ko araw araw. Hay~ Sana tulog nalang sya lage... ay naku! wag nalang pala baka hindi ko na-- "I love you. Don't you fvcking get that?" bigla namang pumasok iyon sa isip ko. Gosh! napahawak na ako ngayon sa magkabilang pisngi ko. Paniguradong namumula na ito. He...He did confessed his feeling last night, right? Hindi iyon panaginip lang! Dahil kung panaginip nga iyon, hindi ko sana sya makikitang natutulog sa kamang hinigaan ko ngayon.. diba? diba?! 


Napatingin naman ako sa orasan na nasa side table. It's 5 in the morning, maaga pa, pero nagugutom na ako. Tama! gagawa nalang ako ng agahan namin. Namin??? .....Gosh! Para lang kaming mag-asawa, I am the wife who's going to make a breakfast for her still sleeping husband. Omg! kinikilig ako. 


Dahan-dahan kung kinuha ang kumot na nasa bandang paanan na nya at ikinumot iyon sa kanya. Sandali akong napahinto ng makita ng malapitan ang mukha nya. Bat ba ang gwapo ng isang ito? Ang kinis ng mukha, ang taas pa ng pilik mata nya na sa tingin ko eh mas mataas pa sa natural lashes ko. Ang tangos din ng ilong nya, and his lips. At dahil nga lumalabas ngayon ang pagiging naughty ko ay ninakawan ko sya ng halik.... sa labi. At nagmadaling lumabas ng kwarto.


Pagkasarang pagkasara ko ng pinto ay sandali akong tumigil at pinakiramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko. Goodness! Masama na ito, i really need to consult kuya Ty.


~~ 


Natapos ko nang linisin ang mga bubog na nagkalat sa sala kagabi,  nagkasugat pa ako sa daliri dahil dun. Ngayon ay nasa kusina na ako at nagluluto. Hindi ako magaling sa pagluluto pero hindi naman ibig sabihin nun na wala na akong alam pagdating sa bagay na ito. Kuya Vince is a best teacher, wag nga lang dun sa mga complicated na. Simple fried rice, fried egg and bacon ang plano kung ihanda. Buti nalang kompleto itong nasa loob ng ref. Di sana ako pagalitan ni Lohan na nangialam ako dito.


Payo sa akin ni kuya Vince noon, para raw maenjoy mo at maging masarap ang resulta ng niloloto mo ay dapat sabayan mo ito ng magandang music. Kaya naman ay pinlay ko ang play list na nasa phone ko. Naka naka shuffle ito kaya random songs ang sunod sunod na napiplay na kanta. 


Nag-eenjoy na ako sa ginagawa ko, napapakanta at napapasayaw na nga rin ako. Nah! wala namang makakakita sa akin, at paniguradong tulog na tulog pa ngayon si Lohan.

My Brothers and I!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon