Chapter 5~

5.6K 138 7
                                    

Napatakip pa ng bibig si Snow matapos makita si Lohan na nakabulagta sa lupa. Nang makabawi ito ay nakangising pinahid pa nito ang duguang labi.

"Protective brother huh, Cy." preskong sabi ni Lohan. Nakita nila kung paanong marahas na naikuyom ni Cyril ang kamao nya, kaya bago pa man ito kumilos ay agad na inawat ito ng mga lalaki. Inismiran nya lang din si Cyril na ngayon ay mababakasan pa din ng inis at galit lalo na sa mga mata nito.

"Cy,,," akmang lalapitan sana sya ni Snow ng walang pasabing umalis ito. Ni hindi nya man lang nagawang lumingon at matingnan kung ano ang naging reaction ng mga kaibigan nya. Hindi nya kasi alam kung paano harapin ang mga ito. Sinira nya ang kasiyahan nila dahil sa isang maliit na bagay lang, na hindi nya maintindihan kung bakit ganun nalang ang naging epekto nito sa kanya.

"Ako na ang bahala...asikasuhin nyo nalang si Lohan." sabi pa ni Justine at dali daling sinundan ang daang tinungo ni Cyril.

Inalalayan naman ito nina Gab at Enzo na makatayo. Napagpasyahan nilang sa veranda ng bahay nalang sila tumambay dahil medyo malalim na din ang gabi.

"Ito na ang firstaid kit" sabi ni Sandra.

"Ito na din ang yelo." dagdag pa ni Russ. Nagpresenta naman si Snow na sya nalang ang maglagay ng gamot sa natamong pasa ni Lohan. Sandaling umalis sina Thea, Sandra at Alex para maghanda ng pwede nilang kainin habang tatambay sila sa veranda at ang mga boys naman ay binalikan yung bonfire nila at aayusin yung mga gamit na naiwan nila doon at para sa veranda nalang nila ipagpapatuloy yung naudlot na kasiyahan. Ngayon ay sina Snow at Lohan nalang ang naiwan. Dahan dahan namang dinadampi ni Snow ang icebag sa mukha ng binata. Samantalang sinusulit naman ni Lohan ang pagkakataon para mapagmasdan ng malapitan si Snow. Medyo ramdam ni Snow yung mga titig na ipinupukol ng binata sa kanya at naiilang na sya, dahil dun ay bahagyang naidiin niya ang hawak na icebag sa pasa nito kaya napa aray nito at bahagyang napa distansya sa kanya. Napamura pa sya sa isip nya dahil sa ramamdamang sakit.

"Bakit mo ba kasi ginawa yun?!" may bahid na inis at pagtataka sa boses ni Snow ng itanong nya iyon sa binata. Hindi nya kayang salubungin ang mga tingin ni Lohan kaya napayuko sya.

"Because i can. " pilosopong sabi nito. Hindi alam ni Snow kung magagalit o maiinis na ba sya sa pagkakataong iyun. Hindi nya inasahang iyon ang magiging sagot sa kanya ng binata. Nang balingan niya ito ng tingin ay may nakakalokong ngiti ang sumilay sa gwapong mukha nito.

"Ganyan kaba talaga?! wala ka bang pakialam sa mararamdaman ng mga taong nasa paligid mo?!" inis na sabi ni Snow. Nabigla pa si Lohan sa sinabi ng dalaga. At gaya ng dati ay mabilis nyang naitago ang pagkabila nya at inismiran lang nya ito.

"Why would i? And it's just a f-uck'n game, what's so big deal?!" inis nyang sabi. Bahagyang napapikit ng mata si Snow para kalmahin ang sarili nya. May punto din naman kasi ang sinabi ni Lohan, pero ang hindi nya maintindihan ay ang weird na ikinilos ni Cyril. Aminado syang kahit na hindi showy na tao si Cy ay protective talaga ito sa kanila bunsong magkapatid. Pero hindi nya pa din maiwasang maguilty.

Nagsidatingan naman na ang mga kaibigan nila at ipinagpatuloy nalang ang kasiyahang ginawa nila kanina kahit wala sina Cyril at Justine. Sandali lang din sila doon at nagpasya na ding magsitulog dahil marami silang gagawin bukas at kailangan nila ng maraming energy ayun pa kay Enzo.

Nang magising si Snow kinabukasan ay mag-isa nalang sya sa kwarto, pagka tingin nya sa wall clock ay ganun nalang ang gulat nya ng makita kung anong oras na. It's already 10 in the morning, napasarap ang tulog nya kaya naman ay nagmadali syang magshower at nagbihis. Naabutan naman nya ang mga kaibigan sa lobby at halatang sya nalang ang hinihintay.

My Brothers and I!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon