chapter thirty two

169 1 2
                                    


Saffron's P.O.V

"ayoko nga kase! Bakit ba pinipilit mo ko!? Kung gusto mong sumama ikaw nalang! Wag mo ko idamay!" Kanina pa ko kinukulit sinabing ayoko nga.

"E Saffron, kailangan mo sumali. Para sa grade" pangangatwiran nya.

"Wala akong pake kung bumaba man ang grade ko. Ayokong sumali! And that's Final" sabi ko saka nag lakad palayo.

"Saffron naman e!" Sigaw ni Hunter.

Sinabi nga kaseng ayoko, ipipilit pa yung gusto.

Kaninang umaga pa kase nangungulit yung baklang yon.

Nakaka irita na.

Sa sobrang badtrip ko, iniirapan ko lahat ng nakikita ko na nakatingin saken.

Binilisan ko ang lakad ko para makapunta na ko agad ng cafeteria.

Nagutom ako dahil sa pakikipag talo ko sa baklang yun.

Nakaka bwiset.



--Cafeteria--

"Saffron pumayag ka na kase" lintek na. Muntik na ako mabulunan sa pagkain.

Nilunok ko muna yung pagkain sa bibig ko bago ako nag salita.

"Pwede ba? Tigil tigilan mo nga ako" mahinahon kong sabi.

"Saffron naman e" lumingon ako sa kanya.

Para talagang bakla. Ngunguso nguso pa, parang tanga.

Pogi sana bakla la--

"Oh bakit ka nakatitig saken?" Bigla akong bumalik sa realidad nung narinig ko yung boses ni Hunter.

"B-baket? Masama bang tumingin sayo?" Shete naman oh. Sa lahat naman ng pagkakataon, ngayon pa ko nautal sa harap nya.

Unti unting uminit yung muka ko.

"Oh bakit ka namumula?" Tanong ni Hunter.

"Mainit kase!" Sigaw ko.

Dinala ko yung pagkain ko at lumipat ako sa ibang upuan.

"Saffron!" Sigaw ni Hunter.

Lalo ko pang binilisan ang lakad ko.



--bago mag uwian--

Kanina pa nakauwi yung mga classmate ko.

Nag cutting class kase ako. Bumalik ako ng room para kunin yung bag ko. Ngayon nga lang ako bumalik ng room para sigurado na wala na si Hunter.

"Saffron akin na yung bag mo. Hatid na din kita sa parking lot" nakangiting sabi ni Hunter.

Kanina ko pa ramdam na may tao sa labas ng room pero syempre ngayon ko lang nalaman na si Hunter yun nung nakalapit na sya at nag salita sa tabi ko.

"Kaya ko sarili ko! Dun ka na nga!" Sabi ko saka naglakad palabas ng room.

Hinarang nya ang sarili nya sa may pinto.

"Hindi ka makakalabas ng room na to hanggat hindi ka pumapayag" mukang desidido na ang baklang to.

"Ayoko nga sabi eh! Tumabi ka dyan!" Tinulak ko sya.

"Hindi mo ko mapapaalis dito. Kahit itulak mo ko ng itulak dyan. Mas malakas pa din ako sayo, hindi mo ko mapapaalis" sabi ni Hunter.

Bakit ba kase hindi dalawa ang pinto ng mga room dito.

Mafia Queen Where stories live. Discover now