chapter ten

187 6 0
                                    

Saffron's POV

                        "Nalinis nyo ba lahat?" Pag sisimula ko. Unti unti akong bumangon dahil masakit pa ang balikat ko. Ikaw ba naman matamaan ng bala.


                          "Gurl, wag ka muna bumangon" nag aalalang sabi ni Anastasia. "Wag ka ngang OA dyan. Sagutin mo nalang yung tanong ko" sabi ko.


                          "Yes gurl" tugon nya. "Good" sabi ko. "Eat ka muna, ahhhhhhh" tinapat ni Anastasia yung kutsara na punong puno ng pagkain sa bibig ko. Hindi ko nga alam kung pagkain ba to o ano. Sinubo ko naman, hahahahahaha.


                            "Oo nga pala, nadala na ba sa mansion yung pugot na ulo ni Vladimere?" Tanong ko ulit.


                            "Later daw. Busy pa daw kasi sila" sabi nya. "Busy? Patayin ko kaya sila?. May pa busy busy pang nalalaman. Saksakin ko sila sa bunbunan nila e" natatawa kong sabi.


                             Tumawa naman si Anastasia. "Oh bat ka natawa? Sinabi ko bang tumawa ka?" Bigla naman syang natahimik.

                              "You know what gurl, kung ikaw kaya saksakin ko sa bunbunan?! Ibang klase din yang mood mo e." Inis na sabi nya.

                              "Go! Kung kaya mo ba e" pang aasar ko. Kinuha ni Anastasia yung tinidor at tinutok saken. "You want?" Pananakot nya.

                               "WATDAPAK! chill ka lang conyo. Binibiro ka lang e" sabi ko. Kakaiba din tong babaeng to. Ano bang nakain neto? Init init ng ulo.


                               "Pwede na daw ba ko umuwe?" Tanong ko. "Yes gurl. But first, ubusin mo muna yung food mo" sabi nya.
"Say ahhhhh" ginagawa talaga akong baby neto. Ako kasi ang pinaka bata saming tatlo. Oo mag kakasing edad kame pero ako ang pinaka bata.


--


                              "Talagang pinatong nyo lang sa table no? Ilagay nyo naman sa loob ng glass. Ang baho baho ng ulo ni Vladimere." Reklamo ko.


                                "Wait, mag pagawa na din kayo ng..... Ano... Yung ano..... Yung malamig na room... Watdapak! Bakit hindi ko maalala yung tawag don!" Nakatungo sila ngayon. Hindi sila pwedeng tumingin saken dahil hindi ko suot ang maskara ko.

                                 Sina Anastasia at Celyne lang ang nakakaalam na ako ang Queen. Yung mga Butler ko, hindi nila alam.

                             "Basta! Kailangan nyong ma preserve yung ulo na yan!" Pati maliliit na bagay nalilimutan ko. Tumatanda na nga siguro ako. O baka marami lang talaga akong iniisip. Nakakahiya. Ano nalang iisipin ng mga tauhan ko, bobo ako? No way.

                              "Opo Madam" sagot nung isa. "Na gets mo ko?" Gulat na tanong ko. "Syempre naman po" sagot ulit nya.

                              Akala ko pa naman mga bobo ang tauhan ni Vladimere. I mean, dating tauhan.

                           Tumalikod nako at nagsimulang mag lakad. "Sige na, mag papahinga lang ako" paalam ko sa kanila. Tumango naman sila bilang tugon.

 --

Pag pinatay mo ko. Mag sisimula ka ng bagong gera

Pag pinatay mo ko. Mag sisimula ka ng bagong gera

Pag pinatay mo ko. Mag sisimula ka ng bagong gera

                 

                        "Haysssss!" Inis na sigaw ko. Kanina pa ng papaulit ulit sa utak ko yung sinabi ni Vladimere.

                          

                         Bakit ba ko masyadong nag aalala sa sinabi nya? Hindi dapat ako kinakabahan. Uy wala akong sinabing kinakabahan ako! Wala kayong nabasa.

                         "Nababaliw na ko" sabi ko sa sarili ko. O diba? Talagang baliw na ko. Kinakausap ko na nga yung sarili ko e.

                         Bakit parang may nararamdaman akong umaagos sa pisngi ko. O baka iniisip nyo umiiyak ako! Hindi no! Just sweating from my eyes. Im not crying! Duhh!

                          Ako umiyak? Hindi ko nga alam yung word na yun e. Nakakain ba yon?

                        Wag kayong mag alala. Pawis lang talaga to.

                         Pinunasan ko na yung liquid na umaagos sa pisngi ko.

Unti unti ako nakaramdam ng antok. Haynako.

--

                             "Papuntahin nyo si Anastasia sa kwarto ko" utos ko.

                          Ilang minuto lang ang nakalipas dumating na din si Anastasia. Kinakabahan ako sa sasabihin ko.

                           "Hey gurl, pinatawag mo daw ako" bati nya. "Umm yeah. M-may s-sabihin lang ako" nauutal na sabi ko.

                       "Ano yon?" Tanong nya. "Ano kase e" ano ba yan, bakit di ko masabe.

                     "Yung...mga pusa! Oo tama. Yung mga pusa napakain mo na ba?" Sabi ko.

                        "That's it? Yes, napakain ko na sila" sagot naman nya. Pero parang hindi ko sya nakumbinsi sa sinabi ko. Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti. "Ganon ba? Sige. Makakaalis ka na haha" sabi ko.

                         "Saffron" tawag nya. Mukang hindi nga sya naniwala. "Ano kase..." Tinitigan lang ako ni Anastasia. Tumungo ako. "May sinabi kase sakin si Vladimere bago ko sya patayin" pag sisimula ko.

                          "Pag pinatay mo ko. Mag sisimula ka ng bagong gera" sabi ko.

                         "Are you okay?" Tanong ni Anastasia. "Are you crying?" Tanong nya na tila ba nang aasar.

                          "Hindi pa ko handa Anastasia" seryoso kong tugon. Tinitigan ko sya sa mga mata. Nawala naman ang ngiti sa muka ni Anastasia.

                          Niyakap nya ko. Sunod sunod na umagos ang mga luha mula sa mga mata ko. "Pinatay ko sya kase kailangan kong gawin yon. Baka kasi pag hindi ko ginawa, kayo naman ang mapahamak" sabi ko habang humahagulgol sa pag iyak.

                          "Tama naman yung ginawa ko diba?" Tanong ko. Mas lalo naman hinigpitan ni Anastasia ang pagyakap nya saken.

                          "Yes Saffron. Tama yung ginawa mo" dahil sa narinig ko. Biglang huminahon ang buong sistema ko. "Thankyou" sabi ko.

Sana nga tama yung desisyon ko.

Mafia Queen Where stories live. Discover now