Chapter Four

40 1 1
                                    

Chapter Four

Hahambalusin ko sana si Zephyr pero mabilis itong lumabas ng bahay.

"Ate anong problema?" Tanong ni Veronica ng makita ako.

"Kasi... w-wala."

"Ikaw ate ah! May something kayo ni sir Zephyr!"

Napangiwi ako sa sinabi ni Veronica.

"Pwede ba wala kaming something. Malisyoso ka lang."

"Wala ba something yung sumama siya dito?"

Hindi ko sinagot si Veronica at lumabas na ako para hanapin si Zephyr. Hindi ko siya makita, saan naman kaya siya pumunta? Huwag niyang sabihin na umuwi na siya?

Nakita ko naman si tatay na papunta sa direksyon ko.

"Tay, bakit ka pumayag?"

Nagtatakang tinignan ako ni tatay.

"Tungkol ba ito sa tinanong ni Zephyr? Bakit naman hindi?"

"Tay---"

"Anak maayos naman nanghiram si Zephyr ng martilyo."

"Ha? Martilyo?"

Nagtataka ako tumingin kay tatay.

"Oo, nanghiram siya ng martilyo. Ewan ko ba at meron naman sa manor pero sa akin pa talaga nanghiram." Napapailing si tatay na nilagapasan ako.

Ang walang hiya! Hinanap ko si Zephyr sa labas pero wala ni anino niya. Nakita ko naman si Mang Teban na kausap ni tatay kanina nakaupo ito sa silya na nasa hardin namin.

"Mang Teban, nakita ho ba ninyo si Sir Zephyr?"

"Si sir Zephyr? Umalis na ngayon ngayon lang."

Umalis na?! Ang bastos talaga!

Nagtagal pa ako ng isang oras doon sa bahay at inayos ang ilan ko na gamit para pagbalik ko dito ay wala na ako aayusin. Pagkatapos ay nagpaalam na ako na babalik sa Vandoz Manor para kunin ang mga gamit ko.

Tinatahak ko pa lang papuntang guest room ng marinig ko na yung boses ni Zephyr.

"Hey! Yung usapan natin once na pumayag ang tatay mo papayag ka na."

Hindi ko siya pinansin at diretso lang naglakad.

"Bingi lang? Akala ko panget ka lang."

Pagbukas ko ng guest room ay wala pa doon si Rosie. Itetext ko na lang siya na uuwi na ako sa amin.

"Ano ba?!"

Nakakainis sinundot lang naman ako ng gago sa tagiliran ko.

"Yung deal natin."

"Deal mo mukha mo! Nagsinungaling ka pa kay tatay!"

"Ang ingay mo kailangan talaga nakasigaw. No wonder you don't have boyfriend."

"Wow? Paano mo naman nasabi? Kahapon ka lang naman dumating dito."

"It's obvious. The way you look at my brother."

"Tse! Pake mo naman e, crush ko naman talaga si Zethro. Mas gwapo at mas malinis." Sinimulan ko ng kunin yung mga gamit ko ng magsalita siya ulit pero hindi ko gaano naintindihan.

"Ano sabi mo?" Magkasalubong ang kilay niya

"Ikaw pala bingi." Sabi ko nilampasan ko lang siya habang hatak yung luggage ko.

"Do I look like dirty?"

"Oo." Sagot ko na hindi lumilingon sa kanya. Sumunod kasi siya sa akin.

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Dec 01, 2020 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

I Really Want You To Hate MeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt